Young graftbusters sinasanay ng PAGC
MAGANDANG programa ang pinasimulan ng Presi-dential Anti-Graft Commission (PAGC) sa pamumuno ni Sec. Constancia de Guzman.
Hinahasa ng PAGC ang 26 scholars mula sa 15 sangay ng gobyerno upang labanan ang kurapsyon sa pamahalaan. Ang training na tinaguriang Graduate Certificate Course in Corruption Prevention ay isang hakbang upang matiyak na ang programa laban sa kurapsyon ay magpapatuloy kahit lumipas ang termino ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa 2010, ayon kay de Guzman.
Mukhang first time itong ganitong novel project. Napapanahon dahil lubhang kontrobersyal ang gobyer-no natin at nahahanay pa sa mga pinaka-corrupt sa daigdig. Malaking tulong ito para mabura ang ganitong eksaheradong perception ng mundo sa atin.
Ang mga nagsisipagsanay ngayon ay pangalawang grupo ng mga scholar sa kursong sinimulan noong isang taon ani De Guzman.
Ang mga scholar ay magkakaroon ng masteral units kapag natapos nila ang anim na buwang kurso. Sila ay bubuo ng Corruption Prevention Action Project (CPAP) na kanilang ipatutupad sa kani-kanya nilang ahensya bilang bahagi ng kanilang thesis.
At upang maging malaganap at pangmatagalan ang programang ito, ang PAGC ay nakikipag-ugna yan sa Association of Schools of Public Administrations in the Philippines (ASPAP) upang ang naturang kurso ay maging bahagi ng curriculum ng public administration.
Gayundin, pinag-aaralan ng PAGC ang paglikha ng posisyon bilang corruption-prevention specialist sa la hat ng sangay ng gobyerno upang lalong makaengganyo ng mga scholar sa larangang ito na na ngangailangan ng naiibang katangian at kasanayang teknikal, ani De Guzman.
Ang kursong ito ay isa sa maraming malawakang hakbang na ginagawa ng PAGC bilang pangunahing ahensya ng administrasyong Macapagal-Arroyo laban sa kurapsyon.
- Latest
- Trending