^

PSN Opinyon

Gamot sa cholesterol, hindi dapat agad inumin

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

NAPAKARAMING pasyenteng mahihirap ang nare­resetahan ng mamahaling gamot sa cholesterol. Ang tawag dito ay Statins at nagkakahalaga ito ng P25 – P100 bawat tableta. Ang mga kilalang Statins ay ang Sim­vastatin, Atorvastatin, at iba pa.

Kung ang suweldo mo ay P250 lang sa isang araw, paano mo pa mabibili ang gamot na iyan. Hindi ko po sina­sabi na hindi mabisa ang mga Statins. Sa katunayan ay napakabisa nila sa paglinis ng ating ugat. Ngunit kadalasan ay nare­resetahan agad ang pasyente ng Statins kahit hindi pa ito kailangan.

Kailan puwedeng HINDI muna uminom ng Statins?

Ayon sa National Cholesterol Education Program ng America, binibigay ang Statins kapag ang cholesterol ay lampas 240 mg/dl at wala namang diabetes o sakit sa puso ang pasyente. Tandaan ang numerong 240. Kapag ang cholesterol test mo ay hindi pa umabot sa 240, puwedeng i-diyeta muna natin iyan.

Ang problema kasi, may iilang doktor na kahit na 210 lamang ang cholesterol ay nagrereseta na ng Statin. Ok lang sana kung mayaman ang pasyente.

Paano naman kapag lampas sa 240 ang cholesterol? Sa ganitong pagkakataon puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at icing muna. Pagkaraan ng dalawang buwan, ipa-test uli ang cholesterol at kapag lampas ulit sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng Statins.

Ngunit may isa pang importanteng detalye: Ang mga BABAE na hindi pa menopause ay hindi gaanong ­ma­tu­­tulungan ng Statins. Ito’y dahil may estrogen pa sila sa katawan na nag­ po­protekta sa kanilang puso. Dahil dito, puwede munang hindi uminom ng Statins ang mga babaing hindi pa menopause.

Kailan DAPAT uminom ng Statins?

Kung ika’y nagkaroon na ng atake sa puso, istrok, at napakataas ng iyong cholesterol (lampas 240 mg/dl), kailangan mo nang uminom ng Statins. Kung may diabetes ka, may tulong din ang Statins. Pero unahin mo munang bilhin ang gamot sa diabetes dahil mas mahalaga ito.

Ang mura at epekti­bong Statin ay ang Sim­vastatin. May mga brands na P20 hanggang P40 bawat tableta. Mahal pa rin di ba?

Paano kung kulang ako sa pera?

Kung wala tayong pera, may tinatawag na “poor man’s statin.” Ano ito? Ito ay ang Aspirin 80 mg tablet na P1.50 lang ang halaga. Makatutulong iyan sa sakit sa puso at mataas na cholesterol.

Sana po ay nakatulong ang artikulong ito para maliwanagan ang ating mambabasa kung kaila­ngan ba talaga uminom ng Statins.

* * *

(E-mail: [email protected])

CHOLESTEROL

KAILAN

KUNG

NATIONAL CHOLESTEROL EDUCATION PROGRAM

NGUNIT

PAANO

SHY

STATINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with