^

PSN Opinyon

Fool-proof system sa Agri projects inilatag na

- Al G. Pedroche -

SIGURO naman ay wala nang makalulusot na kalokohan sa implementasyon ng mga programa ng Department of Agriculture ngayon. Kailangang-kailangang pasiglahin ang food production at nakakairitang mabalitaan na sa dulo ng imple­men­tasyon ng mga programa ay may nangyayaring katiwalian.

Pati nga si Agriculture Secretary Arthur Yap ay di maiwa­sang magalit dahil sa kontrobersyang bumalot sa kanyang de­parta­mento kamakailan. Paano ba naman, siya ang naba­bana­tan sa mga kalokohang wala siyang kinalaman. Nang­yayari kasi ang mga iregularidad sa mga munisipalidad o local level where the projects are being implemented. Siguro’y dun nagkulang ang DA. Sa mahigpit na monitoring o pagsu­baybay sa mga proyekto lalu pa’t ginagastusan ng milyun-milyong piso.

Kaya nga bumuo si Yap ng fact-finding committee noong nakaraang buwan para busisiin ang sinasabing iregularidad ng Commission on Audit (COA) sa 2007 report sa implementasyon ng proyekto ng Department of Agriculture (DA) na Ginintuang Masaganang Ani (GMA).

Base sa resulta ng imbestigasyon, nagpatupad si Yap ng bagong sistema. Ito ay sa layuning epektibong subay­bayan ang mga farm productivity projects sa mga lalawigan. Kasama na riyan siyempre ang mas maayos na paglalabas ng pondo sa mga program partners nitong mga non-government organizations (NGOs) at people’s organizations (POs).

Lumilikha si Yap ng mga national at regional teams na mag­sa­sagawa ng monitoring at maagap na appraisal ng mga pro­grama ng DA para sa mga magsasaka na magsisilbing internal audit system para masukat ang progreso ng mga GMA initiatives at masigurong ang mga intervention measures o mga tulong ng DA ay nakakarating nga sa mga pinupuntiryang bene­pis­yaryo gaya ng mga mag­sasaka at mangi­ngisda.

Naglabas din si Yap ng ba­gong alituntunin para sa ma­higpit na pag-iisyu ng pondo sa mga NGO at PO. Para masigurong tu­mu­­tugon nga ang mga alitun­tunin ng DA sa mga alitun­tunin ng COA, ang guidelines na ito ay si­nu­nod sa mga probisyon ng COA Circular No. 2007-001 na nag­ta­takda ng mga alitun­tunin sa pag­la­labas ng pondo sa mga NGO at PO.

Sa kabila nito, tuluy-tuloy pa rin ang pagsisi­yasat ng fact-finding team. Hiniling na nga ni Yap sa resident auditor ng DA na si State Auditor Elnora Sta. Maria na magta­laga ng mga COA representatives na makakatulong sa probe panel na mag-check o mag-validate sa mga lokal na lebel sa mga iregula­ridad na bina­banggit ng COA sa 2007 report nito.

Ang malawakang re­por­mang ipinatupad ni Yap ay resulta ng pa­unang ulat ng komite tungkol sa mga de­pekto ng monitoring system ng farm productivity pro­jects ng gobyerno, bun­sod ng de­volution of powers­ sa mga pama­halaang lokal.

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

CIRCULAR NO

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ELNORA STA

GININTUANG MASAGANANG ANI

SHY

STATE AUDITOR

YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with