^

PSN Opinyon

Pinoy investors takot nang maglagak ng pera

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MARAMING dahilan kaya bumagsak ang ekonomiya ng United States. Isa sa dahilan ay ang pagkawala ng tiwala ng mga investor sa mga kompanyang pinaglagakan ng kanilang mga pera katulad ng mga banko, insurance companies at financial establishments. Natakot ang mga investor na baka malugi ang pinaghirapan nilang pera.

May mga Pinoy investor dito sa US na hindi malaman nga­yon kung saan ilalagak ang kanilang pera. Takot silang mag­tago ng pera sa ilalim ng kanilang kama o cabinet at takot din namang magbakasakaling ilagay o i-invest sa anumang kom­panya. Tagilid nga kasi ang negosyo dito sa US at nabankarote ang giant companies tulad ng AIG at Lehman Bros pati stock exchanges at mga banko tulad na Washington Mutual at Wells Fargo ay bumagsak.

Kung ako ang nasa kalagayan ng Pilipino-American in­vestors, sa Pilipinas ko na lang dadalhin at ii-invest ang aking pera. Baka mas matatag pa ang mga kom­panya at banko sa Pilipinas na paglalagakan ng pera. Dapat lang maisaayos nang husto ng gobyerno ng Pili­pinas ang mga lehitimong kompanya na pagla­lagakan ng investors. Mahirap nang maloko ang mga investor kaya dapat maging kapani-paniwala at attractive ang business plan na ihahain sa kanila.

Maraming bansa ang apektado ng global financial crisis at kabilang dito ang Pilipinas. Nararapat ang mabilis na pagkilos ng pamahalaan ukol dito. Kahit alam kong matagal nang bag­sak ang ekonomiya ng Pilipinas, naniniwala pa rin akong may pag-asa pang maka­ahon. At mangyayari lamang iyan kung magi­ging mahusay ang pamu­muno sa bansa. Lipulin ang mga corrupt sa gob­yerno para ganap na mag­tiwala ang mga investor. Malaki paniniwala ko na malaki ang maga­gawang tulong ng mga kababayang investor sa ekonomiya ng Pilipinas.

vuukle comment

DAPAT

INVESTOR

ISA

LEHMAN BROS

PILIPINAS

SHY

UNITED STATES

WASHINGTON MUTUAL

WELLS FARGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with