^

PSN Opinyon

'Retokada' (Biktima ng pekeng derma)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

SA panahon ngayon, marami na ang nagsusulputang cosmetic clinics, beauty centers at spa outlets kung    saan tunguhan ng mga Pilipinong nais magpaganda ng mukha at katawan.

Kilala na tayong mga Pinoy hindi lang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa sa ating pagiging bani­doso. Ito yung pag-uugali o nakasanayan na sa pagiging mukhang maganda, presentable at malinis.

Kaya naman, ang dagsaan ng mga kababayan nating nais makilala sa larangan ng kagandahan, sa mga cosmetic clinis, beauty centers at spa outlets ang puntahan.

Ang tanong, nakakasiguro ba kayo na ang lugar ng inyong pagandahan ay ligtas, may tamang serbisyo at totoong dermatologist o espesyalista ang gumagawa?

Ayon sa Philippine Dermatological Society o PDS, ang dermatologist ay isang doktor o espesyalista sa pagpa­paganda at pangangalaga ng balat, kuko at buhok ng tao.

Ang PDS ang siyang kinikilalang lehitimong samahan ng mga competitive at magagaling na dermatologist sa Pilipinas at tanging kinikilala ng PDA sa larangan ng pag­pa­paganda o pangangalaga sa balat, kuko at buhok ng tao.

Ayon kay Dr. Gina Pastorfide, ang bise-presidente ng PDS, hindi biro ang inaasam-asam na pagpapaganda. Bukod sa magastos nga ito, bilang mga totoong dermatologist ay pinapayuhan nila ang kanilang mga pasyente sa kung anuman ang ipakokunsulta nito.

Hindi daw nila estilo na kapag sinabi ng kanilang pasyente na “gusto kong magpalagay ng ganito, o gusto kong lumaki ang ano ko o gusto ko magkaroon ng ganito” ay agaran nilang isasagawa ang panggagamot o ope­rasyon man.

Pinapayuhan nila ang kanilang mga pasyente sa tunay na ikagaganda ng kanilang itsura batay sa pagsusuring kanilang ginagawa, ito’y para sa ikabubuti na rin ng mga pasyente nila.

Kaya naman matindi ang kampanya ng PDS la-ban sa mga bogus o pekeng espesyalista sa kani-lang larangan dahil padami na ng padami ang mga nabi­biktima.

Ang kagustuhang gumanda, kalbaryo ang dinanas ng ilan ng mga nabiktima. Katulad na lamang ng naipalabas ng BITAG nitong nagdaang Sabado kung saan ang biktima ay tinurukan ng tire block o yung pangpakintab ng gulong, para lamang magkaroon siya ng cheekbone at magandang hugis ng baba.

Dalawang undercover ang pinakawalan ng BI­TAG upang silipin ang inirereklamong bogus na espes­ya­lista. Hindi kagaya ng deskripsiyon ng DPS sa mga tunay na dermatologist, salungat ang nakita ng BITAG.

Walang mga nakapaskil na diploma at certificate na nagpapatunay na isang lehitimo ang Bleez Beau-ty Salon sa Cubao, Quezon City.

Sa bibig mismo ng may-ari, inamin rin niyang hindi siya isang doktor kundi aesthetician lamang, kung saan sa ating batas, ipinagbabawal sa kanila ang pagsasagawa ng mga aktibidades na tanging ang tunay na dermatoogist lamang ang puwedeng gu­mawa, isa itong medical malpractice.

Payo ng PDS, kung hindi mapigilan ang sarili na magpaganda at nais may ipabago sa mukha at kata­ wan, lumapit lamang sa mga tunay na espesyalistang miyembro nila. Sa pintuan pa lamang daw, malalaman na kung ito’y kanilang miyembro dahil may doordical ang mga clinic nito ng logo ng PDS.

Sa BITAG, mas mabuti ng magpakatotoo at mag­paganda sa natural na pamamaraan kesa sapitin ang sobrang sakit ng ulo sa pagnanais mo na ika’y ma-ging isang RETOKADO. 

AYON

BLEEZ BEAU

BUKOD

DR. GINA PASTORFIDE

KAYA

PHILIPPINE DERMATOLOGICAL SOCIETY

PILIPINAS

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with