AYON sa pag-aaral, 1 sa bawat 11 babae ay mayroong cancer sa suso. Tinatayang 90,000 ang kaso ng mga may cancer sa suso bawat taon.
Sintomas ng cancer sa suso: Bukol sa suso, matigas at hindi kumikilos kapag sinalat, abnormal na kulay ng utong at may discharge, baliktad ang utong at pa-mamaga ng mga suso.
Dahilan ng cancer sa suso: Hindi alam ang dahilan ng cancer na ito. Mataas ang insidente sa mga babaing ang pamilya ay may history ng cancer sa suso. Nagkakaroon ng cancer ang mga hindi pa nagkakaroon ng anak. Ang mga maaagang nagkaroon ng menstruation o regla o di kaya ay late menopause. Nasa panganib din ang mga nagkaanak makalampas ang edad 30.
Gaano kabigat ang cancer sa suso? Dapat agad na ma-evaluate ng doctor ang anumang sintomas na makita sa mga suso. Nasa 85 percent cure rate ang cancer kapag maagang na-detect at nagamot. Ang cancer sa suso ang number one killer ng mga kababaihan sa kasalukuyan. Sa United States, 34,000 ang namamatay bawat taon sa cancer na ito. Karamihan ay mga babaing nasa edad 40 pataas.
Nakahahawa ba ang cancer sa suso? Hindi.
Paano ginagamot? Depende ang treatment sa spread ng cancer. Tini-treat sa pamamagitan ng: (1) radical mastectomy — surgical removal ng mga suso; (2) modified radical masectomy – surgical removal ng mga suso at lymph nodes; (3) simple mastectomy – surgical removal ng mga suso; at (4) lumpectomy – surgical removal ng tumor.
Ang radiation theraphy at chemothera- phy ay ginagamit ding paraan sa treatment.