Reklamo ng Mechanical Engineers

IPINAUUBAYA ko ngayon ang espasyo ng ating kolum upang ilahad ang reklamo sa atin ng mga Registered Mechanical Engineers (RME). Ito’y kaugnay sa anila’y hindi makatuwirang paniningil ng P2,100 ng Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) para makapag-renew ng lisensiya sa Professional Regulation Commission (PRC). Sa pagtatanong-tanong ng mga apektadong engineers, nabatid nila na ang nagpapataw ng ganitong singil ay ang Manila chapter lang ng PSME.

Kaya ang tanong nila: Kung ang ibang sangay ng PSME ay walang ganyang rekisitos, ano ang layunin ng Manila chapter sa paniningil nito?

Ang P2,100 daw na ito ay para makakuha ng “Certificate of Good Standing” bilang PSME member. Kaila­ngang bayaran ang halagang ito sa tanggapan ng PSME sa Don Lorenzo Bldg., P. Paredes, Sampaloc, Manila na walking distance mula sa tanggapan ng PRC.

Kapag nabayaran na ito, bibigyan ng    papel na katu­nayan na nagbayad na ang nagpapa-renew ng lisensiya ng P2,100. Ito ngayon ang ipakikita sa PRC. Pero kaila­ngang magbayad pa ng P600 ang magpapa-renew ng lisensiya para sa PRC license renewal fee na siyang normal na procedure.

Sa kabuuan ay P2,700 ang kailangang bayaran para makapag-renew ng lisensiya. Pagkalipas ng tatlong taon, tataas pa ang babayarang ito para makapag-renew ulit ng lisensiya bilang Mechanical Engineer.

Ang pagbabayad   ng P2,100 ay sinimu­lang pinatupad nga­yong ta­ong ito nang walang anumang pa­sabi sa mga taong apek­tado nito kaya naman mara­ming   Mechanical Engi­neers na nagpa-renew ng lisen­siya ang nagu­lat sa bagong pa­taka­ran na ito ng PSME. Ma­­rami rin sa kanila ang hindi nagpa-renew ng lisen­ siya dahil dito. Katwi­ -ran nila, hindi nila alam kung saan gaga­mitin ng PSME ang ma­lilikom na P2,100 sa ba­wat miyembro ng ka­­ni­lang samahan na uma­abot din ng kung ilang libo.

Wala naman daw kasing mga proyekto ang samahang ito para sa kapakinabangan ng mga miyebro. 

May mga kaso pa nga na life-time member ng PSME pero na­kansela ang member­ ship. Bakit? Para mag­bayad din ng P2,100?

Sana’y aksyonan ng mga kinauukulan ang reklamong ito ng ating mga mechanical engineers.

Show comments