Si Col. Hubert Abadia, naman!

MATINDI ang naging akusasyon ni Supt. Hubert Abadia, intelligence officer kuno dyan sa Davao dahil ang Alyansa ng Filipinong Mamamayayag o AFIMA ay ginagamit ng mga communist.

Naku ha!

Ang Chief Kuwago ang Chairman of the Board ng AFIMA kaya hindi tayo makakapayag siempre kasama ang buong members nito sa Philippines my Philippines na akusahan na communist, kaya naman kinokondena natin ang kanyang mga pahayag matapos niya itong sabihin sa isang reporter dyan sa Davao.

Sabi nga, matabil ang dila ni Colonel!

Kung may proof si Abadia regarding sa mga tsimis niya bakit hindi niya hulihin ang AFIMA dahil ginagamit ito ng mga communist ano kaya ang katibayan ni Hubert Webb este mali Hubert Abadia pala para maglakas loob siyang ipakalat ang akusayon.

Alam naman natin ang trabaho ng intel. Ang magpakalat ng tsimis at manira ng kapwa.

Sabi nga, sayang lang ang intelligence fund ni Abadia kung ganito lang kababaw ang intel networking na nakuha niya sa kanyang mga tiniway na asset.

Ngayon Abadia, mahaharap ka sa kaso sa ginawa mong tsimis dahil kinakadena este mali kinukondena ka ng AFIMA sa maling sinabi mo.

Sabi nga, lagot ka! bhe buti nga . Hehehe!

Hindi maganda sa isang police lalo na opisyal pa naman si Hubert na magkalat ng kuento na walang pinagbabasehan o pinanghahawakan evidence.

Ika nga, hindi dapat!

Babantayan ka ngayon ng mga miembro ng AFIMA porke inireklamo ka ngayon sa NAPOLCOM, Malacañang, DILG, National Press Club at lalung-lalo na kay PNP Chief Director General Jesus A. Verzosa sa walang basehan pagkakalat mo ng maling akusasyon.

Ngayon maghanda ka ng magandang paliwanag para sa mga nabanggit na opisyal sa itaas na mag-iimbestiga sa iyo.

Abangan.

P150,000 diesel smuggling sa Subic

SIGURO dapat burikiin para makalos na ang isang foolish cop sa Bureau of Customs na sinasabing kumikita ng P150,000 weekly as tong-pats para makalabas ang smuggled diesel dyan sa Subic.

Naku ha!

Ang foolish cop na ito ay patung-patong ang kaso dahil sangkot ito sa car smuggling noon kasiglaan pa ng operasyon ng mga imported tsikot dyan sa SBMA.

Siya rin ang bagman ng pinatay na broker/smuggler may tatlong taon na ang nakakaraan kaya ng sumabit ang amo niya at makita si Satanas sa impierno dali-dali rin itong gumawa ng kagaguhan sa buong akala na dehins siya masasabit sa nakawan diyan sa kanyang territoryo.

Matindi ang padrino ng gagong ito nakakuha pa ng isang tongresman na pangakuan niya makikinabang sa mga kawalanghiyaan nito kaya naman nakabalik ito sa Subic para muling magkipagsabwatan sa mga magnanakaw dito.

Matindi ang dossier nito sa intel group noon buhay pa si General Calimlim kaya ng hindi na malunok ng ating magiting na heneral ang mga kagaguhan nito ini-reccomend ang ogag na tanggalin sa Subic kaya lang malakas sumipsip sa kanya dating among pulpol este mali politiko pala kaya hindi masibak-sibak ang kamote.

Dati kasing driver ang foolish cop na kamote pero ngayon ay saksakan na ng yaman kaya naman uumpisahan na siya ng Office of the Ombudsman para kasuhan ng ill gotten wealth.

Lagot ka ngayon, kamote!

Ang kamote ay sumabit din sa Cebu dahil ng matanggal ito sa Subic ang kanyang mga notorious group sa smuggling ay nagpunta dito para mag-operate kaya lang naamoy siya ng mga Cebuano sinisid ang kanyang operasyon at nabuking pero ang problema ay magaling nga ang gago nakakuha ng padrino para ilipat siya ulit sa Subic. Tama ba, Sir Joey?

Abangan.

Congrats, Hataw!

ANNIVERSARY tomorrow ng dyaryong Hataw at sa Sheraton Hotel pala ito gagawin kaya naman binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, si AFIMA President at NPC Director Jerry Sia Yap, ang owner ng newspaper.

Ika nga, congrats!

Sangdamukal na artista ang sasalubong sa mga visitor ng Hataw na sinusuportahan este mali sumusuporta pala kay Jerry at tiyak darating dito ang kanyang kaibigan na sina Chief PNP Director General Jess Verzosa at NCRPO Director Jeff Soriano.

Magarbo ang party at sangkatutak ang pagkain.

Para sa mga empleado ng Hataw huwag kayong mag-alala at may malaking bonus kayong matatanggap kay Jerry.

Abangan.

Show comments