^

PSN Opinyon

Maling sistema sa hustisya?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MAY mali talaga sa sistema ng hustisya sa ating bansa. Pagkatapos ng 14-na taong pagkakulong, pinalaya na si Claudio Teehanke Jr. sa pamamagitan ng Presidential clemency. Si Teehanke ay nahatulan dahil sa pag­patay kina Maureen Hultman at Ronald Chapman. Walang dahilan kung bakit pinagbabaril ni Teehankee ang dalawa. May pangatlo pang binaril pero nabuhay at nagsilbing testigo laban kay Teehankee.

Sa mga pagdinig pa nga sa kaso, itinanggi ni Teehankee na binaril niya ang tatlo, na nagbigay-buhay sa opinyon ng marami na siya’y wala sa tamang isip. Ang naging hatol ng hukuman, habambuhay na kulong. Nang panahong iyon, wala nang death penalty. Pero mukhang sa sistema natin, ang habambuhay na kulong ay 14-na taon lang, lalo na kung “mabait” ka! Maaaring bulag nga ang hustisya, pero hindi pantay ang timbangan!

Sa halos lahat ng krimen, wala talagang nakukuhang hustisya ang biktima at mga kapamilya nito. Tulad ng pagpapalaya kay Teehankee. Ang kapalit lang pala ng buhay ng dalawang tao ay 14-na taong pagkakulong. Mabuti pa nga ang pamilya ng kriminal, buhay pa ang kamag-anak nila, at may ilang taon pa nilang maka­kasama, makakausap, makakabiruan at makakainuman.

Papaano naman ang mga kamag-anak ni Maureen Hultman at Ronald Chapman? Ano ang puwede nilang ma-enjoy? Nabuhay ba ang anak nila nang pakawalan na si Teehankee, na ayon sa mga matatalinong opis­yal ng gobyerno, eh bina­yaran na niya ang kanyang utang sa sam­bayanan? Bayad? Buhay at malaya na si Teehankee, si Hult­man at si Chapman patay pa rin. Ano ang bayad diyan? Yung nawala niyang 14-na taon sa kulungan? Eh kaya nga pangha­bambuhay na ku­long ang sentensiya kasi ito ang nararapat na parusa para sa ginawa niyang krimen!

Magiging bayad lang siya sa sambayanan kung natupad ang sinentensiya sa kanya! At kung binasa lang niya ‘yung Bibliya na bitbit niya noong nililitis siya sa hukuman, maki­kita niya na ang hustisya ng Diyos ay mata para sa mata! Da­lawang buhay ang binura niya, dapat dala­wang pang­habambuhay na pa­rusa ang binayaran niya!

Kaya ganun na lang ka­tapang ang mga puma­patay ng tao ngayon. Tulad nung abo­gado na bumaril din sa dalawang tao sa Shaw Blvd. Alam nila na kahit makulong sila, basta ba mabait sila, nagbabasa na lang ng diyaryo o kaya nagpapalaki ng mga gulay habang nasa loob ng kulu­­ngan, darating ang araw na palalayain din sila ng sis­temang bulok!

Napakadaling magsalita ng mga opisyal ng gob­yerno, para sabihin na nag­sisi na si Teehankee at si­nil­bihan na niya ang kan­yang parusa, dahil hindi naman sila ang nawalan ng mahal sa buhay. Sa kasong ito ni Teehankee, maliwa­nag na pumatay siya ng tao nang walang dahilan. Hindi dapat ganun kadali lang pinalaya ito, na tila patago pa. At kung may mga kilos na si Rolito Go naman ang susunod na palalayain, eh sandali lang!

ANO

CLAUDIO TEEHANKE JR.

LANG

MAUREEN HULTMAN

NIYA

ROLITO GO

RONALD CHAPMAN

SHY

TEEHANKEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with