^

PSN Opinyon

Apektado si McCain nang di-magandang admin ni Bush

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

NAGING mainit ang ikalawang pagdedebate nina John McCain ng Republican Party at Barack Obama ng Democratic Party. Lumabas sa survey na mas magaling si Obama sa pagpapaliwanag ng kanyang pinaplanong gawin kapag nahalal na siya bilang presidente ng US.

Marami ang nakagusto sa plano ni Obama pagdating sa ekonomiya partikular sa kasalukuyang problema ng pagbagsak ng financial system hindi lamang sa US kundi sa buong mundo. problema sa Iraq at Middle East, foreign­ affairs, security at internal affairs, abortion, education, youth at iba pa. Maliwanag at desidido raw ang gustong maging aksyon ni Obama at hindi katulad ng plano ni McCain na may kalabuan para sa mga botante.

Pakiramdam ko pinagtatakpan ni McCain ang mga ginawa ni President Bush dahil magkapartido ang dalawa. Palagay ko, may kinalaman si McCain sa mga naging aksyon ni Bush.

Sa debate naman ng dalawang vice presidential candidates na sina Joe Biden at Sarah Palin, lamang din sa survey ang kapartner ni Obama. Mas malawak kasi ang karanasan nito at maganda ang programa. Sabog-sabog naman ang pagpapaliwa­nag ni Sarah.

Sa November 4 na ang election at kung idaraos ngayon, tiyak kong panalo na si Obama at Biden. Apek­tado kasi si McCain ng hindi magandang admi­nis­trasyon ni President Bush at kasalu­kuyang pag­bagsak ng US eco­nomy. Nadag­dag pa ang sobrang pang-iinsulto niya kay Obama na hindi kina­gusto ng mga naka­­panood ng debate. Subalit malay din natin, baka makabawi pa si McCain sa mga susunod na linggo.

BARACK OBAMA

DEMOCRATIC PARTY

JOE BIDEN

MIDDLE EAST

OBAMA

PRESIDENT BUSH

REPUBLICAN PARTY

SA NOVEMBER

SARAH PALIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with