^

PSN Opinyon

Salamin

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NGAYONG may krisis pinansiyal na tila kumakalat na sa buong mundo, ang kapansin-pansin ay ang pagkilos ng kani-kanilang mga gobyerno para salbahin ang kanilang ekonomiya, sa pama­magitan ng pagpa­ luwal o pagpapautang ng gobyer­no sa mga negosyo, banko at institusyong pinan­siyal, para mapagpatuloy ang negosyo at maka­hanap ng solusyon para makaba­ngon muli. Sa madaling salita, parang tinatapunan ng salbabida ang mga kompanya, at kapag ligtas na, iba­balik na lang ang salbabida. Sa bansa natin, iba ang estilo ng gobyerno. Gustong magpataw ng mga bagong buwis sa mamamayan, pilitang binubuwi­san ang mga kompanya, para raw may pera ang gobyerno na pang salba sa bansa! Kung gagamitin natin ang halimbawa ng salbabida, habang nalulunod ka, hihingan ka ng gobyerno ng pera, para makabili sila ng salbabida na ibabato sa iyo. Pero nandun ang posibilidad na kung mabigay mo nga ang perang pambili, baka ibulsa na lang para makabili ng bagong sasakyan, bagong bahay, magagandang alahas at gamit, makakain sa mahal na lugar, makabiyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo, o ibigay sa mga kerida!

Pero kung iyon lang talaga ang maisip ng pama­halaan, sa sarili nilang mga grupo at ahensiya dapat sila maghanap ng pera. Ibinunyag ng Congressional Planning and Budget Office(CPBO) ang kapasyahan ng Commission on Audit(COA) na higit P18.6 bilyong withholding tax ang hindi pa nire-remit ng ibat’t ibang ahensiya ng gobyerno noong 2007! Mga grupo katulad ng mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC), mga ahensiya katulad ng DPWH, Department of Education at Department of Agriculture at mga Local Government Units(LGU). At nasa­an na na­ man ang mga perang ito? Bagong scam ba na naman ito, na patong-patong nang nasisiwalat sa adminis­ trasyong ito? Sa tingin ko nga, kung pagsa­sama-sa­mahin ang halaga ng lahat ng anomalya na nadiskubre sa administrasyong Arroyo, eh baka tayo na ang nag-bailout sa US, at masasagot pa natin ang sarili nating problemang pinansiyal! Napaka-laki na ng halaga ng perang hindi na mapali­wanag ng gobyerno kung saan napunta, sa iba’t ibang mga “proyekto”! At ngayon, mga anomalya sa budget katu­lad nitong non-remittance at ang double insertion ni Senador Villar ang mga lu­mi­litaw! Saan-saan pa ba kumakabig ang mga tau­han ni GMA sa pera ng bayan?

Dapat regaluhan ng mga salamin ang lahat ng tauhan ni President Arro­ yo, para makita nila kung sino ang dapat hanapan   ng perang pansalba sa bansa sa parating na kri­sis.

Lagi na lang ang ma­ma­mayan ang suma­sa­got! Mga buwis katulad   ng VAT, mga panu­kalang buwis sa sigarilyo, alak at text, mga matataas na pres­yo ng mga panguna­hing bili­hin tulad ng pag­kain. Ta­la­gang kay Juan de la Cruz nakapasan ang krus, ha­bang mga opisyal natin sa gobyerno ay na­pa­kasarap ng buhay. LAHAT ng opisyal!

CONGRESSIONAL PLANNING AND BUDGET OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF EDUCATION

GOBYERNO

GOVERNMENT OWNED AND CONTROLLED CORPORATIONS

LOCAL GOVERNMENT UNITS

PARA

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with