^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sino pang maimpluwensiya ang susunod na lalaya?

-

HINDI mapigilan ang maraming katanungan kasunod ng pagkakalaya ni convicted murderer Claudio Teehankee Jr. Hindi rin naman mawala ang pag-usbong ng agam-agam na masusundan pa ang pagbibigay ng executive clemency sa mga ma­iimpluwensiyang bilanggo kagaya ni Teehankee Jr. Sa 2010 pa matatapos ang termino ni President     Arroyo at mahaba-haba pa ang panahon para maka­pag­bigay ng pardon. Marami pang maiimpluwen­siyang bilanggo sa National Bilibid Prisons na ayon sa Department of Justice ay may petisyon na rin     para sa executive clemency.

Karapatan ng Presidente na magkaloob ng kapa­tawaran sa mga bilanggo lalo pa kung matanda na at nakaabot na sa takdang taon ang pinagsilbi sa bilangguan pero sa pagbibigay niya ng clemency kay Teehankee, lubhang maraming kontrobersiya at alingasngas. Sumingaw na lamang na lalaya na si Teehankee at halatang inilihim sa media. Ano ang dapat itago rito kung legal naman ang paraan ng pagbibigay ng kapatawaran? Bakit kailangang ilihim ang paglabas ng convicted murderer. At ang matindi pa, ayon sa mga naulila ni Maureen Hultman, hindi sila naabisuhan ng Deparment of Justice sa gaga­wing pagpapalaya kay Teehankee. Binaril ni Teehan­kee ang 16-anyos na si Maureen noong 1991. Bukod kay Maureen, napatay din ni Teehankee ang kaibigan nitong lalaki na si Roland Chapman at malubhang nasugatan ang isa pang lalaking kaibigan.

Pero ang sagot ng DOJ sa naghihinakit na Hult­man family, kinunsulta raw ang mga ito sa paglaya ni Teehankee. Baka raw may amnesia na ang pamil­yang Hultman at hindi na maalala. Alam daw ng Hult­mans na nag-apply ng presidential pardon si Teehankee.

Hindi na mababawi ang kautusan ng Presidente sa pagpapalaya kay Teehankee. Wala nang maga­gawa ang Hultmans maging ang iba pang bumaba­tikos. Ang maaari na lamang gawin ngayon ay ang pagbabantay sa mga gagawin pang pagbibigay ng presidential pardon sa maiimpluwensiya pang bilanggo at isa na rito si Rolito Go na pumatay sa estudyan­teng si Eldon Maguan dahil sa away-trapiko. May petisyon na umano si Go para mabigyan ng pardon.

Ang hustisya ay para sa lahat pero sa nangyayari sa kasalukuyan, tila ang hustisya ay nakakiling sa mga maiimpluwensiya at maykaya. Paano naman ang mga walang lakas? 

CLAUDIO TEEHANKEE JR. HINDI

DEPARMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELDON MAGUAN

HULT

MAUREEN

MAUREEN HULTMAN

SHY

TEEHANKEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with