^

PSN Opinyon

Jueteng ni Atong Ang sa Cavite, largang-larga na!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SARADO na ang transaksyon ni Atong Ang sa lahat ng matataas na opisyal ng pamahalaan kaya full operation na ang kanyang pa-jueteng sa Cavite.

Ayon sa mga nakausap ko, malaking halaga umano ang ipinupukol ni Atong sa opisina ni PNP chief Deputy Director Jesus “Bigote” Verzosa. Ewan ko lang mga suki, kung nagkakasya lahat ito sa bulsa ni Verzosa, he-he-he! Dapat kay Verzosa maglagay nang malaking bulsa para mapagkasya ang datung na galing kay Atong. Di ba mga suki?

Naging matunog ang usap-usapan sa kapu­lisan na sina Ely Fontalla at Leo Uyola ang bagong jueteng kolektor sa Region 1 hanggang Region 5 kaya abot langit na ang ngiti ni Verzosa. Si Atong naman ay malutong ang halakhak na nakatutulig sa Malacanang. Nalalapit na kasing matulad ang kapalaran ni President Arroyo kay dating President Erap Estrada na na-impeached at nakulong dahil sa jueteng payola. Di ba mga suki?

Nagsasawalang kibo na rin si Regional       Director Ricardo Padilla ng Region 4-A dahil may lingguhan din siyang parating mula sa pa-jueteng ni Atong. Kung nagbubulag-bulagan si Padilla tiyak na pipi at bingi na rin si Supt. Zapra, provincial Director ng Cavite.

Paano nga naman sasawatain nina Padilla at Zapra ang pa-jueteng ni Atong kung ang tumata­yong bagman ni Cavite governor Ayong Maliksi ay mismong nakatatanda niyang kapatid na si Tata Bandong? Super bagyo na talaga si Atong dahil wala nang maglakas-loob na hulihin ang kanyang pa-jueteng sa Cavite. Di ba mga suki?

Narito ang mga koleksyon sa tatlong beses na pabola ng pa-jueteng ni Atong sa bayan at siyudad sa Cavite: Alfonso, P250,000; Dasma­rinas, P400,000; Indang, P190,000; Noveleta, P280,000; Rosario, P270,000; Tagaytay City, P230,000; Tanza, P190,000; Ternate, P220,000; Cavite City, P500,000; Gen. Mariano Alvarez, P350,000; Imus, P290,000; Gen. Aguinaldo, P110,000; Kawit, P90,000; Naic, P80,000; Gen. Trias, P90,000; Silang, P100,000; Trece Martirez City, P80,000; Mendez, P90,000; Carmona, P95,000; Bacoor, P80,000; Amadeo, P100,000 at Magallanes, P90,000. Kung susumahin umaabot sa P4,465,000 kada araw ang koleksyon ni Atong.

Kaya’t di kataka-taka na kayang gumastos ni Atong ng milyones sa mga opisyales para maipagpatuloy ang kanyang jueteng operation. Madam President Arroyo, kumilos ka at baka mabutasan ka ng inyong mga kalaban sa pulitika. Mamalayan mo na lamang na nakasilid ka na rin sa selda katulad ng sinapit ni Erap. Walisin mo ang pa-jueteng ni Atong para mapanatili ang iyong puwesto sa Malacañang.

ATONG

AYONG MALIKSI

CAVITE

CAVITE CITY

DEPUTY DIRECTOR JESUS

DIRECTOR RICARDO PADILLA

ELY FONTALLA

JUETENG

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with