^

PSN Opinyon

Lahat na may melamine!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISANG independent laboratory na kusang nagsuri ng 14 na produktong galing China, ay naglabas na ng ka­nilang resulta. At walo sa mga produktong iyan ay may melamine. Kasama rito ang kilalang luncheon meat.

Wala raw awtoridad na ilabas ng laboratoryo ang kanilang mga resulta, kaya ibinigay na nila sa BFAD ang mga resulta. Pero sino ba naman ang hindi naka­aalam ng luncheon meat na iyan. Sobrang sikat, na gina­ ya pa nga ng isang malaking kompanya ang recipe at naglabas ng kanilang bersiyon ng popular na de lata.

Kasama rin sa mga produkto ang isang coffee crea­mer na ginagamit ng maraming kainan at sikat na kape­ han! Kaya malamang, para sa mga mahihilig bu­mili ng mga branded na kape, marami na kayong na­inom na mela­ mine! Pati tsokolate at kendi, meron din! Basta galing China!

Lumalabas na hindi lang mga produktong gatas ang dapat suriin para malaman kung may melamine. Basta hayop na maaaring pinakain ng pagkaing may melamine na, maaaring positibo para sa nasabing ke­mikal. Lalabas niyan baka halos lahat na ng pag­kain, puwera na lang ang mga isda, ay may bahid ng melamine.

Napakawalanghiya talaga ng mga negosyanteng taga-China na gumawa nito! Wala talagang pakialam kung sino ang masaktan, basta kumita lang. At parang sila pa ang matapang kapag hinarap mo at ipinakita ang problema! Ano na ang sinasabi ng gobyerno nila ngayon? Lumalabas pa na may mga nakaaalam na ng problema ng masamang gatas, bago pa magsi­mula ang Beijing Olympics. Pero pinatahimik lang ng ilang awtoridad ang balita habang nagaganap ang Olympics, nang hindi masira ang imahe ng China sa mundo. Hello?

Sirang-sira na ang imahe ng China, ang bansang puro peke, masamang kalidad ng gamit, at lason na pagkain! Iyan ang imahe ng China na gusto nilang tak­pan! Ayoko sanang sabihin na lahat ng mamama­yan nila ay ganyan mag-isip, pero sigurado ako na ang mga ina ng mga batang nagkasakit at namatay ay hindi ganun ang pag-iisip. Talagang pera lang ang puno’t dulo nito. Naturuan na    kasing maging kapita­lista, kaya ayan, gustong yumaman kaagad kahit sa masasamang pamamaraan.

Ang masama pa, parang tanggap ng gobyerno ang ganitong kaugalian. Gusto rin kasi ng China na mag­pasi­ kat sa mundo. Kaya ganun ka-grande ang Beijing Olym­pics, pero may kuwento rin diyan. Kailan lang, naka­pagpadala na rin ang China ng mga astronaut sa outer space, at nakapag-space­walk na rin. At siyempre gus­tong maging isang kapang­yarihan sa larangan ng eko­nomiya, dahil napakalaking bansa nito. Pero ano na ang gagawin ng gobyerno, kung na­tu­­naw na ang tiwala ng buong mundo sa anu­mang produktong galing sa China?

BEIJING OLYM

BEIJING OLYMPICS

CHINA

KASAMA

KAYA

LUMALABAS

PERO

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with