ANG cancer sa pancreas ang isa sa itinuturing na most deadly cancer sa kasalukuyan. Marami ang hindi nakaaalam sa role ng pancreas sa katawan. It produces and secretes hormones and digestive juices.
Symptoms: Pagkakaroon ng abdominal discomfort o masyadong pananakit ng tiyan. Paninilaw ng balat, hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, dark-colored ang ihi, constipation, hindi matunawan at panghihina ng katawan.
Dahilan ng cancer sa pancreas: Hindi ganap na matukoy ang dahilan. Gayunman, patuloy na pinag-aaralan ang kaugnayan ng alcohol, caffeine at tobacco na dahilan ng cancer sa pancreas.
Gaano kabigat ang cancer sa pancreas? Fifty percent ng may cancer sa pancreas ang namamatay tatlong buwan makaraan na ito ma-diagnosed. Two percent ang nakasu-survive sa loob ng tatlong taon. Kapag ang cancer ay natuklasan sa advanced stage, maliit na ang tsansa na malabanan ito.
Nakahahawa ba ang cancer sa pancreas? Hindi.
Paano ang treatment sa cancer sa pancreas? Radical surgery ang itinuturing na epektibong paraan ng treatment kung ang cancer ay hindi pa naka-spread sa organs at blood vessels. Sa pamamagitan ng radical surgery, aalisin ang pancreas, stomach, bahagi ng bituka, bile duct at ang spleen.
Paano ba ito maiiwasan? Walang maipapayo kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng cancer sa pancreas. Ang maagang pagkakatuklas sa cancer ang maaaring maghatid sa paggaling ng sakit. Ang cancer ay karaniwang tumatama sa mga may edad 35 hanggang 70 gayunman, 50 percent ay napatunayang dumapo sa may edad 70 pataas.