^

PSN Opinyon

Bailout ng mga OFW

- Roy Señeres -

MALAKING isyu sa US ang pinaplanong bailout ng mga banko na nasa panganib ngayon dahil sa kanilang financial meltdown. Nagkakagulo ang kanilang Kongreso at Senado sa usapang ito. Kataka-taka kung bakit ang mga Republican na dapat kakampi ni President Bush ay hindi sumasang-ayon sa kanyang panukala. Kung sabagay, isang patunay ito na tunay ang kanilang demokrasya, dahil dito sa atin, ang mga kakampi ni Mrs. Arroyo ay pikitmata ang pagbibigay ng support sa kanya ano man ang isyu.

Kung tutuusin, ang panukalang bailout ni Bush sa halagang $700 million ay maliit lamang kumpara sa total remittance ng mga OFW. Sa totoo lang, matagal nang may financial problem ang ating economy at halos nabubuhay lang ito dahil sa pera ng mga OFW. Sa madaling sabi, kung hindi dahil sa bailout na ginagawa ng mga OFW sa ating economy, matagal na tayong nagkaroon ng krisis.

Dahil sa mga nangyayari sa US, sana ay makita ng mga local banks natin na mahalaga talaga sa kanila ang pera ng mga OFW. Dahil sa katotohanan na ito, dapat na isipin ng mga banko ang mga paraan na makatulong sa mga OFW, halimbawa sa pagbaba ng kanilang gastos sa remittance fees.

Simple lang ang usapang ito. Kung hindi tutulungan ng mga banko ang mga OFW ngayon, baka dumating ang panahon na sila naman ang hindi tutulungan ng mga OFW.

Sa panig naman ni Mrs. Arroyo, dapat na mapansin niya na talagang totoo ang bansag sa mga OFW na bayani sila, dahil sila nga ang nagliligtas sa ating economy. Dahil dito, dapat ayusin ni Mrs. Arroyo ang mga ser­bisyo sa mga OFW, bilang pagkilala sa ka­nilang pagka-bayani.

Hindi pa huli ang lahat na dagdagan at bilisan ni Mrs. Arroyo ang serbisyo sa mga OFW. Kung hindi niya ito gagawin, baka ma­isipan ng mga OFW na bagalan o di kaya ba­wasan ang kanilang remittance, at mauwi tayo sa mas matinding problema. 

DAHIL

KATAKA

KONGRESO

KUNG

MRS. ARROYO

OFW

PRESIDENT BUSH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with