^

PSN Opinyon

Hindi na maaring baguhin ang desisyon

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

TUNGKOL ito sa isang parselang lupa na may sukat na 7,047,673 metro kuwadrado at tinatawag na Lote bilang 2472, Cad. 151 sa Cagayan. Noong Hunyo 2, 1930, sa petisyon ng mag-asawang Tonyo at Toyang, naglabas ang korte ng decree bilang 381928 na ipi­ nagkakaloob ang lupa sa mag-asawa. Kaya noong Hulyo 19, 1938, nilabas ang orihinal na titulo bilang 11585. Hindi nagtagal, kinansela ang titulo at hinati ang lupa sa dalawang titulo, titulo bilang 2472-A para sa 100,000 metro kuwadrado na naka­pa­ngalan sa probinsiya ng Cagayan at titulo bilang 2472-B na naka­pangalan sa mga tagapagmana nina Tonyo at Toyang.  

Dahil sa isang sulat petisyon noong Mayo 19,     1994 na ginawa ng ilang tao na diumano ay naka-po­sesyon sa lupa, at pagkatapos ng imbestigasyon ng DENR, napag-alaman na ang isang bahagi na may sukat na 2,640,000 metro kuwadrado ay itinu­turing pa na gubat o taniman ng troso at idineklara lamang na maaaring ibenta sa publiko noong Peb-re­ro 22, 1982.

Dahil sa nangyari, noong Hunyo 10, 1998, mahi­git 68 taon matapos ilabas ang kautusan bilang 381928, nagsampa ng kaso ang Republika ng Pilipi­nas upang mapawalang-bisa ang nasabing kautusan at upang mabawi ang lupa. Ayon sa Republika, walang ka­pang­yarihan ang korte noong 1930 na ibi­gay ang lupa sa mag-asawa. Ang tanging maaaring mapunta sa mag-asawa ay ang 4,407,673 metro kuwa­dradong bahagi na hindi gubat. May laban ba ang kaso?

Wala po. Ang kawalan ng kapangyarihan ng korte bilang basehan sa pagpapawalang-bisa sa isang desisyon ay may kinalaman sa kawalan ng kapang­yarihan nito sa mga taong sangkot o kaya   ay sa isyung sangkot. Ang kapangyarihan ng korte ay idinidikta ng batas na umiiral nang isinasampa ang kaso.

Sa batas ng Kastila na namamayani noon, lahat ng lupa ay maaaring ibenta maliban na sadyang na­ka­reserba. Noong isampa ng Republika ang petis­­yon, hindi nito napatunayan na sadyang naka­reserba bilang gubat ang lupang sangkot. Ang tanging isinama sa petisyon ay mga mapa na hindi rin nagpa­ patunay na reserbado ang lupang sangkot.

Ayon sa batas na namamayani noong 1930 (Act 2874, Section 6), ang Gobernador Heneral ang pipili ng klasipikasyon ng lupa, kung ito ay maibebenta, gubat (timber) o minahan (mineral lands). Hindi sina­ ad sa petisyon na dineklara ng Gobernador Heneral na gubat o kaya ay minahan ang bahagi ng lupa. Malinaw din na nakasaad sa batas (Section 8) na maaaring iben­ta ang lupa sa mga mamamayan ma­liban na idek­lara itong gubat, minahan o kaya ay gagamitin ng publiko.

Malinaw na may kapangyarihan ang korte sa mga lupang sangkot lalo at mga mamamayan ang nagpe­ tisyon sa kaso. Nang magbigay ang korte ng kautu­san, napatunayan na nito na agrikultural ang lupang sangkot at ang mag-asawang Tonyo at Toyang ang nakaposesyon dito sa loob ng nakalipas na mga taon. Ang gobyerno na isa rin sa mga par­ tidong sangkot ay hindi naman nag-apela ng ilabas ang kautusan noong 1930. Dahil napatunayan na talagang may ka­pangyarihan ang korte noon, hindi na maaaring baguhin pa ang desisyon.

Nang ipanukala ang Saligang Batas noong   1935, naroroon na ang karapatan ng mag-asawa sa lupa. At kahit pa nga dineklara noong 1935 na lahat ng lupa ay sa gobyerno maging ito man ay agrikultural, gubat o minahan, dapat pa ring kilalanin ng gob­yerno ang mga karapatan at pribilehiyong ibinigay nito ayon sa batas (Section 1, Article XII). Ang pinal na desisyon ng korte ay isa sa mga kini­kilala sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935. (Republic etc. vs. Court of Appeals et. Al., G.R. 155450, August 6, 2008).       

BILANG

DAHIL

GOBERNADOR HENERAL

KORTE

LUPA

NOONG

REPUBLIKA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with