Big claims
Tagumpay para sa Kataastaasang Hukuman ang pag- tatag ng unang 24 na “Small Claims Courts”. Sa ilalim ng programang ito, mas mapapadali ang litigasyon ng mga maliit na kaso – halagang hindi lalampas ng PhP100,000. Matatanggal ang bara sa mga MTC at RTC at mas mapapaabot sa mahihirap ang minimithing katarungan. Sisigu- ruhin ng Hukuman na ang mga gagamiting forms ay hindi mahihirapang intindihin ng mga nanlilitis. Bawal ang post-ponement, limitado din ang partisipasyon ng abogado at itutulak ang resolusyon ng kaso sa pamamagitan ng arbitration, mediation at conciliation.
Mula nang namuno si CJ Puno ay hindi ito nag-atubiling kumilos upang agad magpatupad ng reporma sa Judiciary. Maaalalang ang bagong writ of amparo ay kanya ring ideya. Malawak ang pagtanggap sa pagkasigasig ni CJ Puno na hanggang ngayon ay nababanggit siya bilang posibleng unifying candidate sa pagka-Pangulo.
Meron din namang nabibigla sa ganitong “aktibistang” pag-asta ng Hukuman. Bakit pa CON-ASS o CON-CON kung andiyan naman ang Supreme Court na gumagawa ng sariling bersyon ng Saligang Batas, tulad ng desisyon sa ERAP resignation o ng Neri Executive Privilege? Sa writ of amparo din ay may mga nagtanong na hindi pa dapat ang Kongreso ang magpapanukala nito? Maski itong small claims court program ay pihadong aani rin ng kritisismo. Ayon sa Saligang Batas: Art. 8. Judicial Department. Section 1. The judicial power shall be vested in one Supreme Court and in such lower courts as may be established by law., at Section 2. The Congress shall have the power to define, prescribe, and apportion the jurisdiction of the various courts.
Noon pa lang July 3, 2007 ay naipanukala na ni Sen. Bong Revilla sa Senado ang Small Claims Court program. Bahagi ito ng check and balance power ng Lehislatura laban sa Hudi katura. Ibig sabihi’y dapat ang Kongreso ang magtatag nitong mga small claims courts at magbibigay hurisdiksyon at hindi ang Mataas na Hukuman. Bagamat maganda na nauna na ang Hukuman, hindi daw mapupunuan ang matatamong sugat sa prinsipyo ng Separation of powers kapag ito’y pinabayaan. Big claims! Ang takot ng iba’y imbes na ang mga halal nating kinatawan ang mamuno sa lipunan, ang kapangyarihan ay malilipat sa kamay ng 15 na mahistrado na wala namang mando ng bayan.
Small Claims Court.
Grade: 100
- Latest
- Trending