MARAMI sa mga taga-subaybay ng Programang BITAG sa radyo at telebisyon ang nasa sa ibayong dagat.
Salamat na lamang sa Modernong-teknolohiya ngayon sapagkat posible nang napapanood ang BITAG saan mang sulok ng Mundo, in real time and day via internet.
Kaya naman, matindi ang aming pagpapahalaga sa mga Overseas Filipino Workers na laging nakatutok sa mga tinatrabaho ng inyong lingkod.
At bilang pagpapasalamat, itutuon ko ang aking topic ngayon sa mga tinaguriang mga Bagong-Bayani.
Napapanahon at makatwiran ang panawagan ng United Filipino Seafarers laban sa bagong Panuntunan na inila-bas ng DOLE o Department of Labor and Employment.
Ayon sa naturang samahan ng mga mandaragat, hindi pabor at mapanganib para sa kanilang kapakanan ang hak bang ng Labor Department na nagpapahintulot sa mga Pinoy seamen na bumaba ng kanilang barko sa pinakahuling pinag-daungan nito.
Ito’y bago pa maglayag at dumaan ang kanilang barko sa mga tinawag na high risk areas.
Kung ganito ang magiging kalakaran, hindi malayo ayon sa mga Pinoy seamen na hindi na kumuha pa ng mga Filipino ang anumang malalaking foreign vessels. Magiging malaking kawalan ito sa mga maritime industry na isa sa hindi maitatangging nagpapasok ng dolyar sa bansa.
Sa panig naman ng DOLE, ginawa lamang nila ang naturang resolusyon upang bigyang paalala ang mga marinong Pinoy.
Sinabi ni Secretary Marianito Roque na may pagpipilian naman ang mga ito. Ang manatili sa kanilang barko, subalit kung pipiliin nila ang bumaba lalo pa sa mga highrisk area, ay ang mga Pinoy-seamen na umano ang naglalagay sa kanilang sarili sa panga nib.
Layunin ng BITAG na laging maging tagapag-paalala higit lalo pa kung ang kaligtasan na ang pinag-uusapan.
Nasanay man kayo sa mga tipikal na operasyon ng BITAG sa pagtugis sa mga Kriminal ng Lipunan, gusto ko ring ipaalala sa inyo na una sa lahat ang pag-iingat ay nasa sarili ng bawat isa nagmumula. ADIOS!