Mr. Manoling Morato, Unilab-Biomedis, at murang gamot sa puso
NAGPAPASALAMAT ang Philippine STAR at Pilipino Star NGAYON kay PCSO Director Mr. Manoling Morato sa kanyang pagtugon sa problema ni Mr. Richie Garbino, isang 29 anyos na lalaking nangangailangan ng kidney transplant. Napakabait ni Mr. Morato dahil siya mismo ang nag-follow-up sa kaso ni Richie.
Maraming salamat din sa Unilab-Biomedis, ang kompan yang naglabas ng Vitahart (Omega 3 Fish Oil para sa puso). Tu mawag sa akin ang Biomedis para sabihing sasagutin nila ang operasyon ni Richie. Malaki pa kasi ang kinakailangan na pera para maging matagumpay ang isang kidney transplant. Salamat sa Unilab Cluster Head Mr. Constante Calubaquib, Biomedis Medical Director Mr. Dante Sibug, Marketing Director Mr. Ritchie Keyser, at Manager Ms. Julie Sumalpong. Alam kong marami na kayong nabuhay na kidney patients.
* * *
Good news kaibigan! Mayroon na pong naglabasan na murang mga gamot para makatipid kayo. Mabisa rin ito. Heto po ang listahan:
1. Amlodipine para sa altapresyon. Halos 40% ang diskuwento kumpara sa leading brands.
a. Murang brand name Amvasc 5 mg – P17.50 bawat tableta
b. Amcal 10 mg – P15.00 bawat tableta
c. Vasalat 5 mg – P13.00 bawat tableta
2. Hydrochlorothiazide o HCTZ. Ito ang pinakamurang gamot para sa altapresyon.
a. Murang brand name Hytaz 25 mg – P5.80 bawat tableta
b. Diuzid 25 mg – P4.25 bawat tableta
3. Aspirin para makaiwas sa atake sa puso at istrok. Murang brand name Bayer Aspirin 80 mg – P1.25 bawat tableta.
4. Metoprolol para sa mabilis na pintig ng puso. Murang brand name Cardiosel 50 mg – P4.25 bawat tableta.
5. Amiodarone para sa iregular na tibok ng puso. Doktor lang po ang puwedeng magbigay nito. Halos 40 percent ang diskuwento kumpara sa leading brands.
a. Murang brand name Anoion – P39.00 bawat tableta
b. Sandoz Amiodarone – P43.00 bawat tableta
6. Cilostazol para sa nagbaba- rang ugat sa paa. Halos 60 percent ang ibinaba kumpara sa leading brands. Murang brand name Trombocil – P38.00 bawat tableta
7. Clopidogrel para sa may allergy sa aspirin. Halos 50 percent ang diskuwento kumpara sa leading brand. Murang brand name Clopivaz – P44.00 bawat tableta.
Para sa mga kamag-anak ninyong umiinom ng ganitong mga gamot, pakisabi na lang na may mura nang tatak na mabibili sa botika. Good luck po!
* * *
E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending