^

PSN Opinyon

Sec. Yap handang magpa-imbestiga

- Al G. Pedroche -

KAWAWANG Agriculture Secretary Arthur Yap. Pinipilit ng mga kritiko na itulad siya kay Jocjoc Bolante dahil sa sinasabing katiwalian sa implementasyon ng rice sufficiency program ng administrasyon. In fairness to Sec. Yap, tiniyak niyang haha­lukayin ang usaping ito hanggang sumulpot ang buong katotohanan.

 Welcome na welcome din kay Sec. Yap ang kahiwalay na probe na gagawin ng Kongreso at Ombudsman sa isyung ito at aniya’y handa siyang makipagtulungan. Hindi lang makikipagtulungan kundi magpapasiyasat kung kinakailangan.

Sana’y malapatan ng mabigat na parusa ang mga dapat managot sa katiwaliang iyan Sec. Yap.

Naniniwala ako na talagang dapat panagutin ang mga may kinalaman sa paglustay ng pondo sa rice sufficiency program.

May mga kritikong ipinipilit na ang mga iregularidad na nadiskubre ng Commission on Audit (COA) sa 2007 report nito ay tulad ng “fertilizer scam” na kinasangkutan ni dating Department of Agriculture (DA) Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante. Baluktot itong pananaw.

Malayo ito sa anomalya ni Jocjoc. Klarong sinabi mismo sa COA report: Ang mga natuklasang iregularidad ay hindi mga aksyong ginawa o plinano sa Central Office ng DA.

Malinaw din sa 2007 COA report na ang mga iregularidad ay nangyari sa local level sa ilalim ng pagpapatupad ng mga municipal agricultural officers (MAOs). Wala nang kontrol ang DA diyan dahil nasa ilalim na ng pangangasiwa ng mga pamahalaang lokal, o ng mga mayors at governors.

Kung meron mang mga empleyado ng DA na maaaring masangkot sa nasabing iregularidad na ito, iyan ay walang iba kundi ang mga empleyado sa mga regional field units (RFUs) ng DA sa iba’t ibang lokalidad na nabanggit sa COA report.

Mismong si Secretary Yap ang nagbigay ng kautusan sa liderato ng DA na agad imbestigahan ang ulat na ito ng COA upang ma­pa­­­na­got ang sinumang res­ponsable sa mga diuma­no’y katiwaliang ito.

Bumuo na si Yap ng nine-member panel ng mga DA officials at ina­tasan niya itong tapusin ang kani­ lang imbesti­gasyon sa lalong mada­ling panahon.

Sinabi rin niyang pag­katapos lumabas ng re­sultang ito, handa na si­lang humarap sa anu­mang imbestigasyon.

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

CENTRAL OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

JOCJOC

JOCJOC BOLANTE

SECRETARY YAP

SHY

UNDERSECRETARY JOCELYN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with