House Bill 4315 o Cyber Boso Bill o batas na magpa-parusa at magbabawal sa sinuman na kumuha, mag-tago at magpakalat ng mga malalaswang gawain at larawan.
Ayon sa may akda nitong si Buhay Party List Representative Irwin Tieng, ito daw ang puprotekta sa sinu- mang masasangkot sa mapanirang pagkalat ng malalaswang video at larawan.
Subalit sinasabi rin ni Rep.Tieng na may provision sa batas na kapag ang kinuhanan o idinokumentong malaswang video o larawan ay ginawa upang gamiting ebidensiya laban sa isang krimen, hindi masasampa-han ng kaso ang kumukuha nito.
Katulad na lamang halimbawa ng isang concerned citizen na nagvideo sa pangmomolestiya ng matandang lalaki sa isang apat na taong gulang na batang babae.
Marami kasi ang nagreact at nagtanong na may pananagutan rin daw ang taong kumukuha ng video dahil bukod sa malaswa ito ay hindi nito pinigilan ang kasa-lukuyang krimen.
Nang makausap ng BITAG ang nabanggit na concerned citizen, naaawa lamang daw siya sa bata at sa magulang nito na walang kamalay-malay sa pangyayari.
Hindi raw niya nagawang pigilan at awatin ang suspek dahil naunahan siya ng takot. Ang suspek daw kasi ay isang retired major police. Natakot siya sa puwedeng mangyari sa kanya at sa kanyang pamilya.
Ito lamang daw ang tanging paraang magagawa niya upang maisuplong ang may sala, ang makagawa ng isang matibay na ebidensya.
Maging ang retired major police na suspek sa kontrobersiyal na malaswang video,hindi makapaniwala sa tumpak na ebidensiyang kanilang napapanood.
Nang magkaharap kami noong nakaraang biyernes, malapit na siyang humarap sa kanyang lumikha, nagsisinungaling pa, itinatanggi ang krimen na kanyang ginawa.
Ang kanyang asawa na noong una ay tumayong tagapagtanggol ng kanyang asawa, napaiyak na lamang sa isang tabi.
Ang aral, hindi marunong magsinunga-ling ang ebidensiya!