^

PSN Opinyon

Las Piñas mayor Nene Aguilar binabaha ang mga kababayan mo!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

DUMULOG ang ilang residente ng Manuyo Dos, Las Pi

ñas City sa akin upang isangguni ang matagal na nilang problema tuwing bumuhos ang malakas na ulan.

Ang nais nila ay maiparating kay Mayor “Nene”Aguilar ang kanilang problema. Kaya minabuti kong mag-ikot sa mga lugar na kanilang binanggit.

Noong Miyerkules ng gabi nasaksihan ko ang haba ng pila ng mga sasakyan sa Santiago St. Phase-7, Gat­chalian Subdivision hindi dahil matrapik kundi nag-uunahan ang mga may-ari ng sasakyan na maitakas ang kanilang mga sasakyan sa mabilis na pagtaas ng tubig. He-he-he! Mabuti na lamang at maaga pa nangyari ang pagtaas ng tubig baha kaya naisalba nila sa pagkalubog. Malaking gastusin din kasi ang pagpapalinis at pagpa­patuyo sa mga sasakyan sa ngayon. Di ba mga suki?

Para sa kaalaman mo, Mayor Aguilar, ang Manuyo Dos ay imbudo ng tubig, dahil dito dumadaloy ang tubig galing Barangay CAA, Airmens Village at kalapit na mga barangay ng Parañaque. Mabilis tumaas ang tubig dito. Makikipot din ang mga ilog sa naturang lugar kaya’t di agad nakaaagos ang tubig patungong Manila Bay.

Ayon sa mga residente na aking nakausap. Mula umano nang matapos ang C-5 extention mula Pulang Lupa hang­gang Palanyag, Parañaque ay perwisyo na ito sa natu­ rang lugar. Di naman nila tinututulan ang konstrak­siyon ng naturang highway dahil malaking kaginhawaan sa trapiko kapag makonekta hanggang C-5 sa South     Express Way.

Mga kulang sa pansin lamang ang kumukuwestiyon sa C-5 extention project ni Villar sa Senado kaya lalong naaantala. At habang patu­loy ang bangayan sa Se­nado ay hindi na maka­­tu­ log ang mga residen­teng apektado ng baha kapag umuulan.

Dati, ang baha uma­no ay hanggang tuhod la­mang subalit ngayon ay hang­ gang dibdib kaya sira-sira na ang kanilang mga ka­sang­ka­pan. Kung malilinis at mapaluwag lamang ang mga ilog sa natu­rang lugar tiyak na ma­iib­san ang pag­baha. At ang isa pang      pa­­ngu­na­hing problema ng mga re­si­dente roon ay ang ire­gu­lar na paghakot ng ba­sura. Aba Mayor Agui­lar, pa­kiham­ba­los mo nga ang iyong mga tau­han. Kinaka­tamaran na nila ang pag­hakot ng basura.

Dati-rati kasi, isang be­ses isang linggo kung mag­hakot ng basura sa natu­rang lugar subalit nga­yon ay inaabot ng da­la­wang linggo kung haku­tin kaya kadalasan ina­anod sa ilog ang ba­sura na na­giging sanhi ng pag­ babara sa mga estero.

Mayor Aguilar, pan­sinin mo ang problema ng mga taga Manuyo Dos na ma­tagal na ni­lang dinaranas.

ABA MAYOR AGUI

AIRMENS VILLAGE

DATI

EXPRESS WAY

LAS PI

MANUYO DOS

MAYOR AGUILAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with