Women and Children Desk ng Caloocan police, mangmang sa hot pursuit!

NAKADIDISMAYA kapag ‘yung mga kriminal na dapat naghi­himas na ng matatabang rehas ng kulungan ay maki­ kita mong laya pa.

Pagala-gala, patambay-tambay at ang masaklap, guma­ gawa pa ng krimen na dapat sana’y natuldukan na.

At ang dahilan ng kanyang pamamalagi sa labas ng selda, kapulpulan, katangahan at kakulangan sa kaala­man ng proseso ng batas ng ilang pulis.

Ito ang naging problema ng kasong hinahawakan ngayon ng BITAG, ang kontrobersiyal na video ng manyak na retired major police kung saan minumolestiya nito ang 4 na taong gulang na batang babae.

Nakita ng BITAG ang kapalpakan at kapabayaan ng mga pulis ng Women and Children Desk ng Caloocan City Police sa pagresponde sa biktima.

Walong oras matapos maganap ang krimen, nagpunta ang biktima kasama ang kanyang ina sa WCD ng Caloocan Police upang ireport ang pangyayari. 

Dala nila ang ebidensiyang “video” na nakuhanan ng kani­lang kapitbahay na magpapatunay naman sa pangmomo­lestiyang ginagawa ng suspek. 

Kung titingnan sa batas natin lalo na yung gumagawa ng pang-aabuso at panghahalay, kapag naituro ng biktima ang suspek ng wala pang 36 hours matapos ang krimen, matik ang aksiyong gagawin ng mga otoridad.

Hot pursuit o puwersahang pag-aresto ang kinaka­ila- ngang gawin ng alagad ng batas na reresponde sa reklamo. Dapat diretso sa kalaboso ang may sala at NO BAIL o walang piyansa ang katumbas na hatol dito.

Subalit sa kasong ito, maling imbestigasyon at baluktot na proseso ang ginawa ng WCD-Caloocan. Pi­nuntahan nga nila ang suspek at namataan ito sa loob ng kanyang ba­hay.

Subalit nang makita ng mga pulis ng WCD na nakakandado ang gate ng bahay ng suspek, hindi na nila itinuloy ang panghuhuli at direct filing na lang daw ito sa korte.

Malinaw na inosente at mangmang ang WCD-Caloocan Police sa ti­natawag na HOT PURSUIT at RESPONDE.

Kaya naman katulad ng laging sinasabi ng BITAG, “kapag ginawa mo ang trabaho mo ng tama BIDA ka, kapag PUMALPAK ka, MALI­LINTIKAN ka”… nalin­tikan nga sila sa BITAG!

Panoorin ngayong Sabado!

Show comments