^

PSN Opinyon

Posh and Glam

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MULING nakadiskubre ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng isang pinoy traditional hilot at spa center dyan sa 109-G Jajaj Bldg. Panay Ave, Quezon City todits lang ito sa likuran ng National bookstore.

Ang Posh and Glam, ay isang healing rejuvenation at relaxation na may mga magagaling at siempre duly licensed Physical Therapist na gagawa sa mga serbisyong gusto ninyong mangyari sa inyong body.

Napakamura at hindi matatawaran ang serbisyong mararanasan ninyo todits tulad ng Swedish, Shiatsu at Thai (relaxing) P300 hr., traditional pinoy hilot P400, hot stone massage kayo na lamang ang tumuklas ng mga ikinukuento ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Para sa madlang people na gustong subukan ito maari kayong tumawag sa 986-8578, 332-1210 o sa 0922-800-2605.

Mga kamote, ano pa ang tinatanga ninyo punta na!

Jomar at Larry leeg ng PASG

GRABE as in grabe pala ang dalawang kamoteng confidential agents ng Presidential Anti-Smuggling Group ni Usec. Bebot Villar sobra kung mangotong sa madlang people na may transaksyon sa Bureau of Customs.

Alam kaya ni Bebot ang ginagawa ng dalawang tulisang anay na sumisira sa PASG?

Tiyak hindi!

Si Jomar, ay isang broker dyan sa Customs siya pala ang facilitator ng mga raisins, tiles, ukay-ukay echetera na ipinapasok sa pambasang daungan ng Philippines my Philippines na hindi ibinabayad ng tamang buwis porke panakot ng kamote na siya ay confidential anay agent U-2-10 ni Bebot.

Si Jomar, ang kolektor sa lahat ng broker na may illegal transaction sa bureau at kapag hindi tumibre sa kanya ang mga gagong ito tiyak ang mga bugok na kasama ni Agent U-2-10 ang titira sa mga shipment na umayaw sa kagustuhan ng anay sa PASG. Tama ba, Jomar?

Sino ba ang handler nito sa PASG?

Iyan ang pagkukuentuhan natin sa susunod dahil alaga daw ito ng mga gago sa NBI kaya saksakan ng lakas ng loob. 

Ano kaya ang masasabi dito ni Atty. Edmund Arugay, ng NBI - PASG tiyak hindi niya alam ito?

Totoo kaya?

Samantala, si Larry leeg, ay right hand man daw ng isang official sa PASG na sinasabing matakaw sa pitsa.

Si leeg, ay civilian agent pero sangkatutak ang police bodyguard nito sa ngayon.

Tingnan natin ang lakas ni leeg kapag nagbago na ng bossing sa PNP. Hindi puede kay bigote ang style mo kapag nakarating sa kanya ito baka siya ang gumilit sa neck mo. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginagamit ni Larry leeg at Jomar ang PASG para ipanakot at makapangikil sa mga negosiante sa kotong este mali Customs pala.

Siguro panahon na para aksyunan ito ni Bebot kung totoong ginagamit ng dalawang tulisan na anay ng PASG.

Sayang si Bebot kung mawala ang tiwala ng madlang people na humahanga sa kanyang tibay at tapang sa pagsugpo ng mga economic saboteur sa Republic of the Philippines kung hindi niya masibak ang dalawang kamote.

‘Bakit ba ang tibay nina Larry leeg at Jomar sa PASG?’ tanong ng kuwagong binukulan.

‘Matindi ang handler siguro kaya ganito sila’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘May bodyguard pa si leeg parang pulitikong pulpol.’

‘Takot kasi sa sobrang dami ng pera ni leeg baka siya mayari ng wala sa lugar kaya may mga bodyguard na police.’

‘Siya ang sisira sa imahe ng PNP kapag nagkataon ang lalakas nilang mangotong sa custong este mali Customs pala dala ang mga bodyguard niyang police sa operasyon ng kikil.’

‘Hintayin natin si General Jess Verzosa para malaman niya kung sinu-sino sa mga police ang bodyguard ni leeg at tiyak may paglalagyan ang mga ito.’

‘Kamote, sana isama sila nina Commander Kato at Bravo.’

Abangan.

vuukle comment

AGENT U

ANG POSH AND GLAM

BEBOT

BEBOT VILLAR

JOMAR

LEEG

PASG

SI JOMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with