^

PSN Opinyon

Batang sundalo ng NPA, MILF

SAPOL - Jarius Bondoc -

HINDI nagsisinungaling ang mga retrato. Kasama ng mga baril at bomba, nakuha ng tropang gobyerno sa kuta ng Moro Islamic Liberation Front sa Baryo Daplawan, Maguindanao, ang larawan ng mga binatilyong nagmi-military exercises. Malinaw sa retrato (front page ng Philippine STAR nung Huwebes, 18 Sept. 2008) na wala pang edad-18 ang mga may tangan ng M-16. Kumpirmado ang matagal nang iniaangal ng gobyerno na nilalabag ng MILF — at komunistang New People’s Army — ang pagbabawal ng United Nations sa paggamit ng mga batang sundalo.

Napaka-simple ng rason sa pagbabawal. Paglabag ito sa karapatan ng bata sa matiwasay na kinabukasan. Dapat nasa paaralan ang bata, imbis na pinagta-trabaho sa pabrika o bukid, at lalo nang hindi isinasabak sa giyera. Sa murang isip niya, nangangarap pa siyang maging bum-bero, pulis, piloto, doktor o inhinyero — pero inilalagay ng recruiter ang buhay nila sa panganib. Ika nga ng Armed Forces, natural lang paputukan din nila ang bumabaril          sa kanila, bata man o hustong gulang na.

Hindi sinusunod ng mga rebeldeng grupo ang alitun-tunin ng UN (pati ‘yung pagbawal ng landmines na sanhi ng daan-libong lumpo sa Afghanistan). Katuwiran nila,    hindi naman sila ang pumirma sa tratado, kundi ang gob-yernong pinababagsak nila.

Sa isip naman ng bata, matinding adventure ang pag­rerebelde. Kung minsan, inuudyukan pa sila ng hikahos ng magulang na sumali. Kung marami nga namang anak ang sikap pinakakain ng magulang, at yumao ang isa para mag-MILF o -NPA, aba’y bawas bungangang aalalahanin. Bukod du’n, may baril pa ang bata na sagisag ng kapang­ yarihan, at munting suwel-do, pagkain at sigarilyo.

Mas malamang mag­ma- lupit ang mga batang sun­dalo —dahil kulang sa paghubog sa moralidad. Sa Cambodia natagpuan nu’ng dekada-’80 ang isang pangkat ng mga batang de-baril, na walang pa­kundangan kung pumatay ng mga magsa­saka. Ang mga batang MILF ay na­uulat na bangag sa shabu kaya namumugot     ng mga bata’t matanda.

ARMED FORCES

BARYO DAPLAWAN

BATA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NEW PEOPLE

SA CAMBODIA

SHY

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with