Protocol plates, for sale?!

NAGING mainit ang usapin na may kinalaman sa mga protocol plates partikular ang mga plakang “8”.

Agosto ng taong ito ng lumabas ang pahayag ni House Speaker Nograles na nais niyang magsagawa ng imbentaryo sa mga gumagamit ng plakang 8 kung saan mga mambabatas o congressmen lamang ang gumagamit nito.

Nagkaroon pa ng ideyang ibinebenta raw ang mga plakang 8 sa halagang dalawandaang libong piso (P200,000) kaya kahit hindi ka isang congressman, maikakabit mo ito bilang plaka ng iyong sasakyan.

Kapag may plaka ka kasing 8 may nosyon na exempted ang iyong sasakyan sa mga traffic rules      and regulation, kaya ang alam ng malikhaing sin­dikato nito na kandarapa ang ilang may pera na mag­plaka ng 8.

Kaya naman, sa pinagsanib puwersa ng BITAG at Mission X, natunton namin ang nasa likod ng pa­mamahagi at paggawa ng mga protocol plates kabilang na dito ang plate # 8.

Noong nakaraang Huwebes, sa tulong ng Highway Patrol Group at sa pakikipagtulungan mismo ni Land Transportation Office Chief Alberto Suansing, naisa-gawa ang isang operasyon na nagtumbok sa likod ng iligal na gawaing ito.

Naging matagumpay ang pakikipagtransaksiyon ng mga BITAG at Mission X undercover sa mga fixer   sa LTO na kung saan ipinagmamalaki ng mga mokong na kamag-anak nila ang hepe raw ng plate making    section sa LTO.

Dahil dito, walang kahirap-hirap, nakabili kami ng plakang otso   at isa pang diplomat plate. Ang mga kolo­koy, labas-masok la­mang ng LTO at naki­kihalubilo pa sa mga empleyado ng Plate making section.

Abangan ang bu-ong detalye sa ope­ras­yong ito na ikinainit ng bumbunan ni LTO Chief dahil pagkatapos ng mismong ope­ras­yon, nagpatawag ito ng pu­long sa lahat ng hepe ng departa­mento ng LTO!

Show comments