Maging matalinong mamumuhunan

SIGURO ay maninibago kayo sa tema ng aking kolum ngayon dahil sa may pagkakaiba ito sa nakasanayan ninyong action pack BITAG. Totoo nga pala ang sinasabi ng mga malalaking negosyante ng bansa na “when the America sneezed, the Philippines will catch the colds!” Ganito ang mistulang nangyayari ngayon habang patuloy na nakikiramdam ang mga negosyante sa kahihinatnan ng Wall Street na nagsisilbing batayan ng takbo ng kalakalan sa mundo.

Nababahala ang mga business luminaries na posibleng kahihinatnan ng mga Pilipinong negosyante.

Ang balitang pagkalugi ng Lehman Brothers, (investment giant sa US) ang nagbigay pangamba sa mga local na negosyante para mag-alinlangan na sa pamumuhunan sa mga insurance policies at mga local banks.

Marami na rin ang nag-aalinlangan kung gaano nga ba nakasisiguro na ligtas ang mga salaping ipinupuhunan sa mga financial institution? Tulad naman ng inaasahan, pinakakalma ng mga economic managers, maging ng gobernor ng Bangko Sentral at ng mga executives ng mga insurance companies ang publiko. Naging maagap ang Central Bank sa pagbibigay ng mga advisories sa mga financial institutions.

At kung ang mga naunang hakbang ng mga ekonomista ay hindi gaanong drastiko, iba na ngayon ang ihip ng hangin dahil nga sa biglang pagka-bangkarote ng “Lehman Brothers”. Ito ang nagpapakaba sa mga local na mamumuhunan at negosyante. Iisa lang naman ang katotohanan sa likod ng mga pangyayaring ito. Talagang nasa krisis ngayon ang kalagayan ng mundo. Seryosong bagay na dapat pagtuunang-pansin ng pamahalaan at maging ng sim­pleng negosyante at mamu­muhunan. Gayunman, nanini­wala naman ako na makakaya­nan pa rin natin ang krisis na ito tulad nang ginawa nating pag­tawid noong 1997 financial crisis.

Nagpahayag na ang Central Bank Governor na “malusog” pa rin naman ang mga banko at ma­lakas ang ginawa nitong mga re­porma para matugunan ang mga krisis tulad nito.Maging ang mga insurance companies ay patuloy sa ka­nilang mga reporma nang maka­iwas sa posibleng krisis.

Ang bagay na ito ang ka­hanga-hanga naman sa karakter nating mga Pilipino. We are not a bunch of losers na nagmumukmok na lang pag nadedehado sa laba­nan sa halip, lumalaban tayo.

Ngayon pa lang na nagba­bala na ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga lokal na banko na maging matalino na sa pag­lalagakan ng ka­­­nilang pamu­muhunan. Ito’y upang matiyak na may Return Of Investment (ROI) sa mga negos­yong pina­pasok ng mga ito.

Tama lang naman na nasa excellent choice sila sa mga pag­lalagakan ng puhunan nang hindi nagsisisi sa dakong huli. Adios!

Show comments