^

PSN Opinyon

Limitado ang pananagutan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ng NOL, isang kompanyang pandagat na nagmamay-ari ng M/V Baltimor Orion. Ang mga kar­gamentong sangkot ay tatlong bulto ng “warped yarn”, isang klase ng sinulid na pina­karga ng LTGMC na isang kompanya ng tela mula Hong Kong upang dalhin sa FMC, isang lokal na kompanya sa Manila.

Ang kargamento ay ikinarga sa container at nasa maayos na kondisyon, ayon sa deklarasyon ng Bill of Lading (B/L) No. HKG-0396180. Walang deklaras­ yon kung magkano talaga ang halaga ng kargamento ngunit pinaseguro ng FMC ang kargamento sa anu­mang sakuna sa tulong ng Philippine Charter Insurance Corporation (PCIC) sa ilalim ng Marine Cargo Policy No. RN 55581 sa halagang P228,085.

Sa ilalim ng B/L, hindi hihigit sa $500 kada parsela ang pananagutan ang barko sa anumang mangyayari sa kargamento, mawala man ito o masira, o kung ito na­ ma’y hindi nakaparsela, ang pananagutan ng barko ay kung magkano lang ang binayad sa pagkar­ga o kaya ang tunay na halaga ng kargamento ng ito’y idedeklara ng nagpabiyahe sa B/L.

Habang bumibiyahe mula Hong Kong papun­tang Maynila ay inabot nang malakas na hangin ang barko. Tumaob ito. Dahil dito, apat na container ang tumila­pon sa dagat. Isa na rito ang container na naglalaman ng mga sinulid.

Hiningi ng FMC na bayaran ng OASI (ang lokal na ahente ng NOL sa Manila) ang halaga ng karga­mento. Hindi ito pinansin ng ahente. Sumunod na hiningan ng bayad ng FMC ang PCIC. Binayaran nito ang FMC sa kabuuang halaga na P228,085. Nang mabayaran ang FMC, nagsampa ng kaso ang PCIC upang mabawi ang halagang P228,085. Ang desis­yon ng korte ay pabor sa PCIC. Hindi raw nag-ingat ang barko at iyon ang dahilan kung bakit nawala ang karga­mento kaya’t nararapat lamang na magbayad ang kompanya.

Nang mag-apela, pumanig ang Court of Appeals (CA) sa desisyon ng korte ngunit binawa­san ang babayaran ng NOL. Mula P228,085, pinagbabayad na lamang ng $1,500 ang NOL para sa tatlong parsela alinsunod sa nakasaad sa B/L. Tama ba ang CA?

TAMA. Sa kargamentong nawala sa biyahe mula Hong Kong papuntang Manila, ang mga karapatan at obligasyon ng mga barkong pan­dagat ay nakasaad sa batas (Art. 1753 & 1766 Civil Code, Carriage of Goods by Sea Act – COGSA).

Sa ating batas, limitado sa nakasaad sa B/L ang pananagutan ng mga barkong pandagat na kabilang sa tinatawag nating “common carrier”. Kung gusto ng may-ari ng kargamento na baya­ran ito ayon sa tunay na halaga, dapat na nadek­lara ito sa B/L baya­ran din ang karampatang singil sa B/L.

Sa COGSA, hanggang $500 lamang ang dapat bayaran ng common carrier o ng barkong nakawala ng kargamento. Nagbabayad lamang ng mas mataas kung idineklara sa B/L ang uri ng kargamento at kung magkano ang tunay nitong halaga.

Sa kasong ito, ang B/L na isinumite ng PCIC ay hindi nakadeklara ang tunay na halaga ng kargamento na pinadala ng LTGMC at pinasiguro naman ng FMC. Wala ring ebidensiyang magpapatunay na may karagdagang bayad na ibinigay sa B/L kung kaya’t masusunod ang stipulasyon na hanggang $500 lang kada parsela ang mababayaran (Philippine Charter Insurance Corporation vs. Neptune Orient Lines etc., G.R. 145044, June 12, 2008).

BILL OF LADING

CARRIAGE OF GOODS

CIVIL CODE

COURT OF APPEALS

HONG KONG

KARGAMENTO

KUNG

PHILIPPINE CHARTER INSURANCE CORPORATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with