SINALAKAY kahapon ng gabi ng National Bureau of Investigation-Anti Fraud kasama ang BITAG Team ang isang inirereklamong bogus na money changer sa Ermita, Maynila.
Sa bisa ng search warrant, naisagawa ng NBI ang paglusob sa JEWEL Money changer, isang fly-by-night at hindi rehistrado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Habang isinusulat ko ang column na ‘to, hinahanap pa rin ng mga operatiba ang nawawalang marked money na ginamit ng mga NBI bilang patibong sa nasabing operasyon.
Isang linggong minamanmanan ng aming grupo kasama ang NBI-Anti-Fraud, maging ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng BSP ang inirereklamong hinayupak na money changer.
Pinagplanuhan ang operasyong ito noong isang linggo sa mismong tanggapan ng AMLC-BSP. Bunsod ito sa reklamong inilapit sa BITAG ng dalawang biktima ng bogus na JEWEL money changer.
Alam ng BITAG, NBI-Anti-Fraud at AMLC-BSP na may “proteksiyon” ang nasabing money changer sa presinto ng Manila Police District (MPD) na nakakasakop dito.
Malayo pa ang Pasko, sinimulan na ng NBI at BITAG kasama ang AMLC na magsampol sa mga bogus money changer na unang sinampulan rin umano ng moro-morong operasyon noong nakaraang taon naman ng MPD.
Babala ng BITAG sa mga nagpapapalit ng kanilang mga perang padala ng kanilang mga mahal sa buhay na nasa abroad, mag-ingat, mag-ingat!
Kwidaw sa mga mo ney changer sa tabi-tabi partikular sa Ermita, Mabini at Malate sa Maynila na nasasakupan ng MPD Station 5 at Station 9.
Iwasan ang mga mo-ney changer na may mga tauhang nag-aalok sa labas at dinadala kayo sa mga gilid-gilid na money changer. Sila ‘yung may mataas na exchange rate kuno.
Sila rin ‘yung mga salamangkero sa bilis ng ka may, hindi mo nakikita ang kanilang pandaraya.
Maliban dito, may halong drama ang mga tarantadong ito na ikaw ‘yung suwetik, walang pakunda ngan ang kanilang kawalanghiyaan dahil alam ito ng mga pulis na rumeresponde kapag nagkagulo na.
Abangan sa BITAG Live sa UNTV tuwing alas 9-10:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes at tuwing Sabado sa BITAG, alas-9 ng gabi sa IBC 13.