Bacoor Mayor Strike Revilla, linisin mo ang iyong bayan sa talamak na prostitution!
NAGPULASAN ang mga bugaw sa mga bahay aliwan sa Bgy. Niyog. Aguinaldo Highway, Bacoor, Cavite nang salakayin ng mga pulis sa pamumuno ni Supt. Mario Reyes at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Matapos malambat ang may 30 kababaihan na pawang walang health certificate at working permit ay agad isinunod ang kahabaan ng Tirona Highway, Bgy. Mabolo kung saan ay maraming menor de edad ang nahuling nakikipag-table sa mga kostumer. Huli sa akto ang mga ito kung kaya luhaang nagsumamo sa kapulisan ang mga kabataang babae.
Maging ang mga kostumer ay hindi pinalampas ng mga pulis ng isa-isang kapkapan. Hindi pinalusot nina Insp. Nelson Pagaduan at Insp. Ronald Estilles Jr. ang mga babaing naghihintay ng kustomer sa mga nakaparadang tricycle, he-he-he! Hindi nakalusot sa dalawang masisipag na opisyal ang mga palusot ng mga babaing naglalako ng laman. Get nyo mga suki?
Bagamat nakalusot sa unang bugso ng pananalakay ang mga bugaw, tinitiyak ng dalawang opisyal na malalambat din nila ito sa madaling panahon. Kaya humanda kayong mga bugaw at sa darating na mga araw ay maisisilid din kayo sa rehas na bakal.
Nag-ugat ang pananalakay sa mga bahay aliwan nang ipag-utos ni Mamang Pulis chief Dir. Gen. Avelino Razon ang Oplan Magdalena “Sagip Nene” matapos makatanggap ng mga reklamo na pawang mga kabataan umano ang isi nasadlak sa prostitusyon ng mga sindikato. Buking na kasi ang galaw ng mga sindikato sa Metro Manila kaya’t sa mga lalawigan na umano dinadala ang mga kabataang babae.
Paalis na sa puwesto si Mamang Pulis chief Razon subalit serbisyong publiko pa rin ang nasa isipan. Sana manahin ng incoming PNP chief ang kabutihan at kasipagan ni Razon upang lalo pang tumaas ang moral ng mga pulis sa ating bansa.
Maging si Bacoor Mayor Strike Revilla ay naalarma na rin sa mada las na away sa mga lugar kung saan ang mga bahay aliwan ang pinagmumulan kung kaya’t agad na inatasan niya si Supt. Reyes na magsagawa ng pananalakay sa lahat ng mga karaoke bar’s and Pub Houses. Mabuti’t nagising na rin si Mayor Revilla sa katotohanan, na ang kanyang lalawigan ay pinamumugaran na mga babaing mababa ang lipad.
Kaya’t ang lahat ng mga kababaihan na hinuli ay agad na isinailalim sa medical check-up upang masuri ang mga ito upang maiwasan ang paglaganap ng sakit . Ang lahat ng mga kababaihan na walang working permits ay pagmumultahin at pansamantala munang makukulong sa presinto.
Mayor Revilla dapat lamang na pag-ibayuhin mo ang sinimulan mong kampanya upang maalis sa isipan ng inyong mamamayan na ningas cogon lamang ang panalalakay ng inyong kapulisan. Hala, Mayor linisin mo ang iyong nasasakupan sa talamak na prostitusyon. Abangan!
- Latest
- Trending