^

PSN Opinyon

Mabungang pag-uusap nina Jinggoy at Saudi Amb. Mohammed Ameen Wali

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -

MABUNGA ang pakikipag-uusap kamakailan ng aking pa­nganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, na chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, kay Saudi Ambassador to the Philippines Mo­hammed Ameen Wali.

Idinulog ni Jinggoy kay Ginoong Wali ang pangam-ba ng mga OFW at mga recruiter sa posibleng nega­tibong epekto ng Unified Contract scheme ng Saudi    para sa deployment ng manggagawang Pilipino sa naturang bansa.

Base sa pahayag ng Philippine Association of Service Exporters Inc. (PASEI), ipatitigil ng Unified Con­tract scheme ang kasalukuyang kalakaran kung saan ang mga local recruitment agency ay direktang nakikipag-ugnayan sa mga employer sa Saudi para sa deployment ng OFWs doon.

Sa ilalim ng bagong scheme, ang mga recruiter ng Pili­pinas ay kailangan munang makipagkontrata sa Saudi National Recruitment Committee (SANARCOM) na grupo ng mga recruitment agency ng Saudi. May basehan ang pangamba ng PASEI na ang scheme ay magreresulta sa dagdag na gastos at makukunsumong panahon sa pagproseso ng OFW deployment.

Nagkasundo naman sina Jinggoy at Ambassador Wali na magbuo ng panel para suriin ang scheme.

Bukod dito, nagkasundo rin sila na ipursige ang  pag­kaka­roon ng “bilateral labor agreement” ng Pilipinas at Saudi na maggagarantiya sa proteksyon at kapa­kanan ng mga OFW.

Nagpasalamat si Jinggoy sa pagbibigay ng konsiderasyon ni Ambassador Wali sa naturang mga usapin na may direkta at ma­ laking epekto sa mga OFW at sa kabuuang industriya ng OFW deployment. Pinag-usa­pan na rin nila ang na­lalapit na official visit   ni Jinggoy sa Saudi   sa Nobyembre, parti­ku­lar sa Riyadh na ka­bisera nito, at sa Jed­dah na itinuturing na­mang “commercial ca-pital” ng naturang ban­sa.

Sa naturang pag­ bisita ay makikipag­pulong si Jinggoy kina Saudi Labor Minister Ghazi Al-Gosaibi, Ri­yadh Governor Prince Salman at Jeddah Go­vernor Prince Mishaal ibn Majed. Ilulunsad din ni Jinggoy ang “free showing” ng kan­yang pelikulang Ka- tas ng Saudi para sa mga Pilipino roon.

vuukle comment

AMBASSADOR WALI

AMEEN WALI

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

GINOONG WALI

JINGGOY

SAUDI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with