SALAMAT sa Diyos at below $100 na uli ang presyo ng krudong langis sa world market. Nagkandakuba tayong taumbayan sa sobrang taas ng petrolyo na nakaapekto rin sa halaga ng mga pangunahing bilihin.
Nasa $99 na lang ang presyo ng imported crude oil bawat bariles. Sa pagdausdos sa halaga ng krudo, pautay-utay ding nagbaba ng halaga ng produktong petrolyo ang mga lokal na gas firms. Hindi kuntento ang taumbayan lalu na ang nasa transport sektor. Masyado raw maliit ang rollback. Oo nga naman.
Bakit nga ba tuwing tataas ang halaga ng inaangkat na langis ay mabilis at nakasisindak magtaas sa halaga ng petrolyo ang mga lokal na kumpanya? Pero kung bababa ang halaga ng langis, pautay-utay kung magbaba? Katakataka talaga. Mabuti pa ang mga small players ay may konsensya. Pero ang tinatawag na “Big-”3" gaya ng Shell, Petron at Caltex ay matamlay kung rumes ponde sa situwasyon. Parang ayaw!
Miss na miss ko na talaga ang mga panahon na ang bawat litro ng gasolina at diesel ay wala pang P40! Sana nama’y bawasan man lang kundi lubusang maalis ang EVAT sa mga produktong petrolyo para naman makatikim ng ginhawa si Juan dela Cruz!
Nagsususpetsa tuloy ang barbero kong si Mang Gustin: Baka raw ang mga top executives ng malalaking kompanya ng langis ay nagbigay na ng malalalaking allowance para sa kanilang sarili kaya ayaw na nilang magbawas ng malaki sa presyo ng petrolyo. Pero salamat na rin sa P2 rollback kada litro ng petrolyo na ipinatupad ng mga kompanya ng langis. Sa tingin ng marami, puwede pang ibaba para sa kapaka nan ng mamamayan.
Ngayong mababa na ang presyo ng Krudo, huwag na sanang mag-atubili ang mga kompanya ng petrolyo, small player man o higante na ibaba pa ngang husto ang halaga ng petroleum products. Isipin ninyo na politically sensitive ang inyong negosyo. Kung hindi na maka-afford ang mga Pilipino na tumangkilik sa ibinebenta ninyong petrolyo, hindi lang kayo ang babagsak kundi ang buong ekonomiya ng Pilipinas.
Kapag nangyari iyon, hindi naman kayo apek tado eh, kundi yung mahihirap na mamamayan. Madali kayong mag-abroad at dun magnegos yo tulad din ng ilang mga tiwali at garapal na opisyal ng gobyerno na walang ginawa kundi simutin ang kabang-bayan.
Samantala, ang ibang Pinoy na naghihikahos ay mamamatay na lang siguro nang walang kalaban-laban. Tulad ni Mang Pandoy.