^

PSN Opinyon

Salamat, mura na uli ang krudo!

- Al G. Pedroche -

SALAMAT sa Diyos at below $100 na uli ang presyo ng kru­dong langis sa world market. Nagkandakuba tayong taum­bayan sa sobrang taas ng petrolyo na nakaapekto rin sa halaga ng mga pangunahing bilihin.

Nasa $99 na lang ang presyo ng imported crude oil bawat bariles. Sa pagdausdos sa halaga ng krudo, pautay-utay ding nagbaba ng halaga ng produktong petrolyo ang mga lokal na gas firms. Hindi kuntento ang taumbayan lalu na ang nasa transport sektor. Masyado raw maliit ang rollback. Oo nga naman.

Bakit nga ba tuwing tataas ang halaga ng inaangkat na langis ay mabilis at nakasisindak magtaas sa halaga ng petrolyo ang mga lokal na kumpanya? Pero kung bababa ang halaga ng langis, pautay-utay kung mag­baba? Katakataka talaga. Mabuti pa ang mga small players ay may konsensya. Pero ang tinatawag na “Big-”3" gaya ng Shell, Petron at Caltex ay ma­tamlay kung rumes­­ ponde sa situwasyon. Parang ayaw!

Miss na miss ko na talaga ang mga panahon na ang bawat litro ng gasolina at diesel ay wala pang P40! Sana nama’y bawasan man lang kundi lubusang maalis ang EVAT sa mga produktong petrolyo para naman maka­tikim ng ginhawa si Juan dela Cruz!

Nagsususpetsa tuloy ang barbero kong si Mang Gustin: Baka raw ang mga top executives ng malalaking kompanya ng langis ay nagbigay na ng malalalaking allowance para sa kanilang sarili kaya ayaw na nilang magbawas ng malaki sa presyo ng petrolyo. Pero sala­mat na rin sa P2 rollback kada litro ng petrolyo na ipinatupad ng mga kom­panya ng langis. Sa ti­ngin ng marami, pu­wede pang ibaba para sa kapaka­ nan ng ma­ma­mayan.

Ngayong mababa na ang presyo ng Krudo, huwag na sanang mag-atubili ang mga kom­panya ng petrolyo, small player man o higante na ibaba pa ngang husto ang halaga ng petro­leum products. Isipin ninyo na politically sensitive ang inyong ne­gosyo. Kung hindi na maka-afford ang mga Pilipino na tumang­kilik sa ibinebenta nin­yong petrolyo, hindi lang kayo ang babagsak kun­di ang buong ekonomiya ng Pilipinas.

Kapag nangyari iyon, hindi naman kayo apek­ tado eh, kundi yung ma­hihirap na mamamayan. Madali kayong mag-abroad at dun magne­gos­ yo tulad din ng ilang mga tiwali at garapal na opisyal ng gobyerno na walang ginawa kundi simutin ang kabang-ba­yan.

Samantala, ang ibang Pinoy na naghihikahos ay mamamatay na lang siguro nang walang kalaban-laban. Tulad ni Mang Pandoy.

BAKIT

CALTEX

CRUZ

HALAGA

MANG GUSTIN

MANG PANDOY

PERO

PETROLYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with