^

PSN Opinyon

Wrongful arrest, pagkakamali o kapalpakan?!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

SUKDULANG hirap ang sinapit ng isang inosenteng sibilyan matapos siyang mapagkamalang suspek sa salang di niya ginawa.

Sa aking programang BITAG LIVE sa UNTV kahapon ay personal naming nakapanayam si Alfredo Tabor­da, biktima ng wrongful arrest.

Matatandaang katapusan ng Hulyo ng taong ito ng lumapit sa amin ang kapatid ng nabanggit na biktima.

Halos 2 buwan ding nakulong si Taborda sa Caloocan City Jail.

Matapos panghimasukan ng BITAG ang kasong ito, nakalaya na si Taborda nitong a-9 ng Setyembre.

Ayon kay Dean Amado Valdez ng UE College of Law at dating Government Corporate Counsel, matagal na ang pro­blemang katulad nito.

Ang masaklap pa daw sa ibang kaso,nahahatulan pa ang mga biktima ng wrongful arrest o mistake identity.

Ang konsuelo de bobo ng ating hudikatura oras na mapa­tunayang walang kasalanan o hindi talagang suspek ang inaresto, sampung libong pisong claims.

Sa kaso ni Taborda, narelieve sa pagiging pulis ang arresting officer na si SPO1 Alfred Boy Mendez ng Malabon Police Station.

Dagdag ni Dean Valdez, dahil iba ang pangalan at litrato ng suspek na nakalagay sa warrant, malaking kapalpakan ito para sa pulis na nag-aresto.

Hindi lamang ito isang pagkakamali, my nakikita pa siyang posibleng personal na dahilan kung bakit tinuluyan ng pulis ang biktima.

Sa BITAG, hanggang kailan magkakamali ang ilang alagad ng batas sa ganitong kasensitibong kaso?

Buhay at kahihiyan ng isang inosenteng indibidwal ang nakataya dito.

Mapagtuunan sana ng pansin ang problemang ito ng ating hudikatura at kapulisan. Nakakaalarma ang sunod-sunod na kaso ng wrongful arrest kung saan karami­ han, tuluyan na lang nagdurusa sa kulungan.

vuukle comment

ALFRED BOY MENDEZ

ALFREDO TABOR

AYON

CALOOCAN CITY JAIL

COLLEGE OF LAW

DEAN AMADO VALDEZ

DEAN VALDEZ

GOVERNMENT CORPORATE COUNSEL

MALABON POLICE STATION

TABORDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with