^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bagong equipment ang kailangan ng PAGASA

-

MAHIGIT 20 bagyo ang tumatama sa Pilipinas bawat taon at karamihan sa mga ito ay nag-iiwan nang malaking pinsala at maraming buhay ang nawawala. Kahapon, tuluyan nang lumabas sa bansa ang bagyong “Marce” makaraang hagupitin ang Northern Luzon at nagdulot nang mga pagbaha. Bagamat hindi kasinglakas ng mga naunang bagyo, maraming lugar din sa bansa kabilang ang Metro Manila ang nakaranas ng sungit ng panahon. Binaha ang Metro Manila at maraming na-stranded.

Si “Marce” ang ika-13 bagyo ngayong taon na ito at sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA), walong bagyo pa ang tatama sa Pilipinas bago matapos ang taon na ito. Bagamat sinabi ng PAGASA na maaaring apat lamang sa walong bagyong ito ang maaaring tumama sa lupa, maaaring magbago pa rin ng direksiyon ng mga ito. At ang ganitong pabagu-bagong direksyon ng mga bagyo ang isa sa malaking problema ng PAGASA. Hindi sapat ang kagamitan ng weather bureau para ganap na matunton ang landas na tatahakin ng bagyo. Kung hindi agad matutunton ang kinaroroonan ng bagyo, paano mabibigyan nang warning ang mamamayan. At kapag nagkulang ang PAGASA sa responsibilidad, sila ang binubuntunan ng sisi. Kagaya nang nangyari nang manalasa ang bagyong “Frank” at isang barko ang lumubog.

Ayon sa PAGASA, humihingi sila ng P200 million para sa kanilang modernization program sa 2009. Ayon kay PAGASA officer Frisco Nilo lubhang kailangan ng kanyang tanggapan ang data processing system para makapag-issue ng warning tuwing ikatlong oras ang PAGASA. Ayon pa kay Nilo, sa kasalukuyan tuwing ika-anim na oras lamang sila nagbibigay ng warning ang PAGASA. Sinabi pa ng opisyal na mahalaga na maisakatuparan ang modernization sa PAGASA para hindi na maulit ang atrasadong pagbibigay ng warning at update sa bagyo.

Nang manalasa ang bagyong Frank noong Hunyo na naging dahilan ng paglubog ng M/V Princess of the Stars sa Sibuyan Island, hindi na-update ang kinaroroonan ng bagyo. Hindi nagkaroon ng sunud-sunod na bulletin ukol dito. Kaya naglalayag na umano ang barko nang malaman na malapit na pala ito sa tinatahak ng bagyo.

Ang proposed budget sa PAGASA para sa 2009 ay P749 million. Sa ganito kalaking halaga, maaari nang makabili nang mahuhusay na equipment ang weather bureau. Ayon sa PAGASA sa halagang P200 million ay maaari na silang makabili nang sophisticated na gamit para madaling matun­ ton ang bagyo at kara-karakang maihahatid ang mga update ukol dito.

Isakatuparan na ang modernization ng PAGASA para hindi malagay sa panganib ang buhay ng mamamayan kung may mananalasang bagyo. Iprayoridad ang mga ito sa susunod na taon.

AYON

BAGAMAT

BAGYO

FRISCO NILO

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL ADMINISTRATION

METRO MANILA

NANG

NORTHERN LUZON

PAGASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with