DINALAW ako sa aking opisina sa PS NGAYON ng aking kapatid kay Kristo na si Pastor Grepor “Butch” Belgica na katatalaga lang bilang commissioner ng binuhay na Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Dadalawa lang silang komisyuner dito. Ang isa ay ang bantog na anti-crime crusader na si Dante Jimenez na atin ding kaibigan at dating kolumnista ng PS NGAYON.
Bulalas ko kay Bro. (Tawag ko kay Butch) “Buhay pa pala iyan?” “Oo naman. Binuhay dahil kailangang kailangan nating sugpuin ang mga organisadong krimen,” sagot sa’kin ni Bro. Parang nagka-amnesiya na ako sa existence ng PAOCC dahil matagal nakatiwangwang at walang naibabalitang aksyon sa mga nangyayaring organisadong krimen sa bansa.
With a man of God in this super-body, harinawa’y magtuluy-tuloy ang giyera kontra krimen tulad ng smuggling, human traficking, droga at marami pang iba na nagwawasak sa moral fabric ng lipunan.
Super anti-crime body ang tawag sa PAOCC dahil ang chairman ay dili’t iba kundi ang Presidente mismo na sinusuportahan ng kanyang mga gabinete gaya ng DILG, DOJ, National Security Adviser, DOTC, at DFA. Importante ang papel ng Foreign Affairs Dept. porke talamak pa rin sa bansa ang mga trans-national crimes gaya ng smuggling, human trafficking at ilegal na droga.
Bilang isang Pastor ng Lord’s Vineyard Covenant Communities, sana’y hikayatin din ni Bro. Butch ang Pangulo pati na ang mga gabineteng kasali sa gawain ng PAOCC na nagdaos ng regular na prayer meeting at pabayaang nasa unahan ng krusada ang Panginoong Hesus. Kung mangyayari iyan, naniniwala akong hindi magiging ningas-kugon ang ga wain ng komisyong ito. Naniniwala rin akong magtatagumpay ang layunin ng komisyon at mababago ang masamang imahe ng buong pamahalaan. With Christ at the helm, talagang matatawag na super-body iyan!
Kung Pangulo mismo ang magkakaroon ng genuine spiritual renewal, dadausdos ang pagbabago tungo sa mga nakabababang liderato sa buong pamahalaan. Iyan ang kailangan natin dahil kung isa o dalawang maka-diyos na lider lang mayroon tayo pero ang mga nakapaligid ay ma kamundo kundi man kampon ng diyablo, medyo mahihirapan ang namumuno. Tingnan ang nangyayari ngayon sa gobernador ng Pampanga na si Among Ed.
Spiritual renewal is what we need! Jesus is what we need!