^

PSN Opinyon

Kumander Kato at Bravo nakapuga!

- Al G. Pedroche -

DALAWAMPUNG milyong pisong dumadagundong! Iyan ang halagang makukuha ng sino mang makakadakip sa mga pasaway na MILF kumander na sina Umbra Kato at Abdulrahman Macapaar alias Kumander Bravo. Pero may mga balitang nakalabas na ng Pilipinas at kasalukuyang nasa Sabah, Malaysia na ang dalawa.

Madulas ang dalawang kumag. Umaasa kasi ang gobyerno na mismong kasamahan ang magkakanulo sa kanila dahil sa laki ng ante sa kanilang ulo. Halos isang linggo na ang lumipas sapul nang taasan ang pabuya sa kanilang ulo pero hangga ngayo’y bokya pa rin. Hindi malayong nakalabas na ng Pinas ang dalawa. Ang dali-daling magtungo sa Malaysia through the backdoor sa pamamagitan lang ng kumpit.

Sabagay, sa laki ng pabuya, malamang pati mga taga-Malaysia o mga Pilipinong naroroon ay tutugisin na sila.

Obviously, ang dalawang kumander ay protektado ng mataas na pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front. Nagmamatigas ang MILF leadership na sila ang kakastigo sa dalawang tauhan nilang “pasaway” at hindi nila isusuko ang mga ito sa mga operatiba ng pamahalaan.

Ganyan kataas ang tingin ng MILF sa sarili. May “status of belligerency,” Tingin sa sarili’y isa nang kahiwalay   na bansang hindi saklaw ng mga batas ng Pilipinas.

Kaya nagbago ng diskarte ang pamahalaan. Nag-alok ito ng P25 milyong development fund sa MILF basta’t mahinahon nilang isusuko ang dalawang tinutugis na tauhan. Hindi nalalayo ang halaga sa P20 milyong ibibigay sa sino mang makadarakip sa dalawang MILF lider.

Palagay ko’y maraming bounty hunter na ang kumi­kilos ngayon para mapasa­kanila ang malaking pabuya. Dangan nga lang, ma­dulas ang da­lawa at daraan sa matin­ding pa­nga­nib at susuot sa butas ng karayom ang sino mang mag-aam­bisyong madakip sila.

Marahil mas makabu- buti kung tanggapin na lang ng MILF leadership ang   alok at isuko ang dalawang kumag. Afterall, malaki ang atraso ng mga iyan kung tutuusin.

Di birong buhay ang na­lagas sa Mindanao dahil sa kanilang kagaguhan.

vuukle comment

ABDULRAHMAN MACAPAAR

AFTERALL

DALAWANG

DANGAN

KUMANDER BRAVO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PILIPINAS

SHY

UMBRA KATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with