SA mga isinagawang pananaliksik, bihira ang nakali- ligtas kapag ang isang tao ay dinapuan ng cancer sa atay. Ayon pa rin sa mga pag-aaral ang mga taong nasa bansang nasa Kanluranin (Western) ang sinasabing madalang na tamaan ng cancer sa atay.
Sintomas ng cancer sa atay: Pagsusuka, hindi maipaliwanag na panghihina ng katawan, pagbaba ng timbang, paninilaw, anemia, sensitive stomach, discomfort at ang pananakit ng tiyan.
Dahilan ng cancer sa atay: Tumataas ang bilang ng mga may cancer sa atay lalo na ang mga may cirrhosis. Itinuturo ring dahilan ang pagkakaroon ng parasitic infections na naka-attach sa atay.
Gaano kabigat ang cancer sa atay? Bihira ang nakaliligtas sa cancer na ito. Sinasabing 50 percent lamang ang nakaliligtas nang hanggang tatlong buwan makaraang ma-diagnose ang cancer. Madalang ang naireport na gumaling at maaari lamang mangyari kapag naalis sa pamamagitan ng operasyon ang lahat ng cancer sa bahaging apektado, pero bihira ito.
Nakahahawa ba ang cancer sa atay? Hindi.
Paano ginagamot ang cancer sa atay? Kung made-detect nang maaga maaaring maalis pa ang cancer sa pamamagitan ng operasyon subalit kapag nasa advanced stage na hindi na maaari ito. Ang chemothe- rapy at radiation ay maaaring gawin para ma-treat ang cancer.
Paano maiiwasan ang cancer sa atay? Ang labis na pag-inom ng alak ay dapat iwasan. Mag-ingat din at nararapat kontrolin ang pagkalat ng parasites sa katawan.