^

PSN Opinyon

Cancer sa atay

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

SA mga isinagawang pananaliksik, bihira ang nakali-   ligtas kapag ang isang tao ay dinapuan ng cancer sa atay. Ayon pa rin sa mga pag-aaral ang mga taong nasa ban­sang nasa Kanluranin (Western) ang sinasabing mada­lang na tamaan ng cancer sa atay.

Sintomas ng cancer sa atay: Pagsusuka, hindi maipa­liwanag na panghihina ng katawan, pagbaba ng timbang, paninilaw, anemia, sensitive stomach, discomfort at ang pananakit ng tiyan.

Dahilan ng cancer sa atay: Tumataas ang bilang ng mga may cancer sa atay lalo na ang mga may cirrhosis. Itinuturo ring dahilan ang pagkakaroon ng parasitic infections na naka-attach sa atay.

Gaano kabigat ang cancer sa atay? Bihira ang    naka­liligtas sa cancer na ito. Sinasabing 50 percent la­mang ang nakaliligtas nang hanggang tatlong buwan makaraang ma-diagnose ang cancer. Madalang ang naireport na gu­maling at maaari lamang mangyari kapag naalis sa pamamagitan ng operasyon ang lahat ng cancer sa baha­ging apektado, pero bihira ito.

Nakahahawa ba ang cancer sa atay? Hindi.

Paano ginagamot ang cancer sa atay? Kung made-detect nang maaga maaaring maalis pa ang cancer sa pamamagitan ng operasyon subalit kapag nasa advanced stage na hindi na maaari ito. Ang chemothe-    rapy at radiation ay maaaring gawin para ma-treat ang cancer.

Paano maiiwasan ang cancer sa atay? Ang labis na pag-inom ng alak ay dapat iwasan. Mag-ingat din at nara­rapat kontrolin ang pagkalat ng parasites sa ka­tawan.

ATAY

AYON

BIHIRA

CANCER

DAHILAN

GAANO

ITINUTURO

PAANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with