^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bigyan nang malalakas na baril ang mga pulis

-

ISA sa problema ng mga pulis ay ang kawalan nila nang malalakas na baril para may maipanlaban sa mga kriminal. Sa mga sunud-sunod na holdapan na nangyayari sa Metro Manila, laging nalalagasan ng miyembro ang PNP dahil mas malakas ang kalibreng baril na hawak ng mga halang ang kaluluwang holdaper.

Ilang buwan na ang nakararaan, dalawang pulis Maynila na nagresponde sa nangyayaring holdapan sa Paco, Manila ang niratrat ng mga holdaper. Walang kalaban-laban ang maiikli at mahinang klase ng baril ng dalawang pulis sa mahahaba at malakas na armas ng mga holdaper. Sunud-sunod pa ang mga naganap na holdapan at pang-aambush at ang mga pulis ay hindi naman agad makakilos sapagkat kamatayan ang kanilang kahaharapin kapag sumugod nang walang dalang malakas na baril.

Tila hindi naman natitigatig ang pamunuan ng    PNP sa problemang ito sapagkat sa kabila ng mga nangyayaring krimen ay wala pa ring pag-uutos na isyuhan nang malalakas na baril ang mga pulis, particular ang mga nasa mobile patrol division na laging nakakasagupa ng mga holdaper.

At problemang ito ng PNP ay sinasamantala ng mga magnanakaw para magsagawa ng panghohol­dap sa mga banko, pawnshops, at iba establishments. Malalakas na baril gaya ng M-16 at M-14 rifles, grenade launchers at iba pang malakas na baril ang kanilang dala. Malakas ang kanilang loob. Kapag rumesponde ang mga pulis, hindi na sila nangingi­ming pumatay.

Ang problema sa kakulangan ng mataas na kali­breng baril ay napatunayan na naman noong nakara­ang linggo nang isang pulis-Makati ang ratratin ng mga holdaper ng banko. Nilapitan ni PO2 Warren Balang ang isang Tamaraw FX sa Makati Avenue nang paputukan siya.

Ang kasamahan ni Balang na si PO2 Rommel Salcedo ay nakipagpalitan ng putok sa mga holdaper gamit ang shotgun. Pero ano ang ilalaban ng shotgun sa armas ng mga holdaper. Ganoon man, tina­maan pa rin ni Salcedo ang isa sa mga holdaper. Nakatakas ang iba pa.

Ang kakulangan sa malalakas na baril ay narara­pat nang pagtuunan ng pansin ng liderato ng PNP. Bago magretiro si General Razon sana naman ay magkaroon nang malalakas na armas ang mga pulis para hindi madehado sa pakikipagsagupa sa mga halang ang kaluluwa.

BARIL

GENERAL RAZON

HOLDAPER

MAKATI AVENUE

METRO MANILA

NANG

PULIS

ROMMEL SALCEDO

WARREN BALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with