^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Maraming high school ang salat sa computer

-

SA report ng Department of Science and Technology (DOST) marami pa ring private at public high school ang walang computers at marami rin ang hindi naka-link sa Internet. Ayon pa sa report, may mga high school na mayroon ngang computer pero wala namang Internet connection. Ayon sa report, 70.2 percent ng 6,313 private at public high school ang may mga computer subalit 21.9 percent lamang nito ang naka-connect sa Internet.

Lubhang mahalaga ang karunungan na computer sa panahon ngayon. Hindi kailanman makasasabay sa pandaigdigang competetion ang bansang mangmang ang mga naninirahan sa computer. Mapag-iiwanan ang bansa kapag walang kaalaman sa computer technology. Pawang computer na ang ginagamit at paano nga kung ang mga high school students sa kasalukuyan ay malaki pala ang kakulangan sa modernong gamit na ito. Idagdag pang wala ring Internet connection. Paano makikipagsabayan ang Pilipinas kung ang mga kabataang dapat ay sinasanay na ay kulang pa pala ang kaalaman sa pagko-computer at siyempre sa Internet na rin.

Sa report, ang Metro Manila ang may pinaka­ maraming private at public high school na may computers at naka-link sa Internet (91.8 percent. Sumunod ang Central Luzon (83.9 percent), Cagayan Valley (81.1 percent) at Southern Tagalog (81.1 percent).

Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang may pinaka-mababang bilang ng mga high school na may computer. Ang ilang mga computer doon ay donasyon lamang.

Kung ang ibang high school sa ilang rehiyon ay marami nang ginagamit na computer at naka-link na sa Internet ay naghahangad pang madagdagan ang kanilang gamit, kabaliktaran ito sa ilang school sa ARMM. Wala silang balak na madagdagan o mag­ka­roon ng computer. Hindi na pinapangarap ng mga namamahala sa school sapagkat mahirap mangyari.

Isa sa mga dahilan ay ang labis na kahirapan sa ARMM na karamihan sa mga bayan o barangay ay wala pang kuryente. Paano nga naman papanga­raping magkaroon ng computer gayung walang kuryente. Imposible ito.

Tingnan ng DepEd ang problema sa mga mahihirap na lugar kung bakit hanggang ngayon ay salat sa kaalaman sa computer ang mga high school student.

ANG AUTONOMOUS REGION

AYON

CENTRAL LUZON

COMPUTER

HIGH

SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with