Kapakanan ng mga OFW sa Saudi, isusulong ni Jinggoy
ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay makikipagpulong kay Saudi Arabia ambassador to the Philippines Mohammed Ameen Wali upang talakayin ang kanyang mungkahing “bilateral labor agreement” ng dalawang bansa. Tatalakayin din ang kanyang pagbisita sa mga problemado at nakakulong na mga Pilipino sa Saudi sa darating na Setyembre.
Si Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay bibisita sa Riyadh, capital ng Saudi, at sa Jeddah na tinatawag namang “commercial capital” ng nasabing bansa. Ang Riyadh at Jeddah ang dalawang pinakaimportanteng siyudad sa Saudi.
Ayon kay Jinggoy, ang bilateral labor agreement ang pinakamabisang mekanismo para matiyak ang proteksyon at kapakanan ng OFWs sa Saudi. Ang naturang kasunduan ang magsisilbing gabay at patakaran sa pagtrato ng mga Saudi employer at kanilang pamahalaan sa mga Pilipinong magtatrabaho roon.
Nais din ni Jinggoy na bisitahin at kumustahin ang mga distressed na Pinoy o nagkaproblema sa Saudi gayundin ang mga nakakulong sa Al-Hair, pinakamalaking piitan na nasa
Sa naturang pagbisita, titiyakin ni Jinggoy na maayos na tinatrato ang naturang mga Pinoy, at aalamin din niya kung paano niya matutulungan ang mga ito.
Makikipagpulong din siya kay Saudi Labor Minister Ghazi Al-Gosaibi upang talakayin ang sitwasyon ng mga OFW pati na rin ang Unified Contract scheme ng Saudi na pinangangambahang magreresulta sa dagdag na gastos at tagal sa pagproseso ng deployment ng OFWs doon.
Pangunahin din ang kapakanan ng mga OFW sa gagawin namang pakikipagpulong ni Jinggoy sa mga pinuno ng naturang mga siyudad, sina Riyadh Governor Prince Salman at Jeddah Governor Prince Mishaal ibn Majed.
Maglulunsad din si Jinggoy sa
- Latest
- Trending