Nakipagkasundo sa walang awtoridad
SA wakas nahimasmasan ang Malacañang sa lumang pakulo ng Moro Islamic Liberation Front na itatwa ang mga kasaping naghuhuramentado. “Muhi si Presidente sa kawalan ng kontrol ng pamunuan ng MILF sa mga umano’y base commanders nila,” inaamin na ngayon ni Executive Sec. Ed Ermita. Ginulo ng mga separatista ang siyam na baryo nu’ng Hulyo at apat na munisipyo nitong nakaraang linggo sa
Sa totoo, maraming taon nang nagdodoble-kara ang MILF. Iniangal na ‘yon ng opisyales sa
Kaya lumilitaw ang tanong: Kung hindi pala kayang kontrolin nina MILF chair Al Haj Murad, vice chairman Gadzali Jaafar, spokesman Eid Kabalu, at chief negotiator Mohagher Iqbal ang 14,000 armadong rebelde, e bakit ba nakipag-usap sa kanila ang Malacañang?
Simula’t sapul inusisa na ng mga gobernador at meyor sa
Pagkakalooban
Nagpauto ang Malacañang sa mga huwad na MILF leaders. Kundi man, niluto talaga ang ilegal na MOA para magkagiyera o mawarat ang Konstitusyon, tulad ng hinala ng mga senador — para panatilihin si Arroyo sa puwesto.
- Latest
- Trending