^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bantayan ang mga barko ng Sulpicio

-

DALAWANG buwan makaraang lumubog ang M/V Princess of the Stars sa karagatan ng Sibuyan Island, Romblon, pinayagan na ng Maritime Industry Authority (Marina) na muling makapaglayag ang mga barko ng Sulpicio Lines, Inc. Ang Sulpicio ang may-ari ng M/V Princess of the Stars na lumubog noong June 21, 2008 na ikinamatay ng 200 katao at may 600 pang nawawala. Hanggang sa kasalukuyan, nakataob pa rin ang M/V Princess at pinaniniwa­laang nasa loob pa nito ang mga pasaherong na-trap makaraang lumubog nang makasalubong ang bagyong Frank. Hindi pa rin naman nakukuha ang nakalalasong kemikal na karga ng barko.

Sabi ng Marina, pinayagan na nilang makapagbi­yahe ang mga barkong pamasahero at pangkarga­mento ng Sulpicio subalit may mga mahigpit na kondisyon bago makapaglayag. Kabilang sa mga kondisyon na kanilang ipinataw sa Sulpicio ay ang mahigpit na pagpapatupad sa safety regulations, pagkakaroon ng insurance,  protection at indemnity coverage ng mga pasahero. Dapat ding maka­pasa sa sea worthiness audit ang lahat ng barko ng Sulpicio. Umano’y may 13 barkong nag-ooperate ang Sulpicio. Marami nang barkong pag-aari ng Sulpicio ang nasangkot sa mga sakuna sa laot at ang pina­ kagrabe ay ang paglubog ng M/V Doña Paz noong December 1987 sa karagatang malapit sa Oriental Mindoro kung saan 4,000 katao ang namatay. Naka­bang­ gaan ng Doña Paz ang M/T Vector. Ilang barko pa ng Sulpicio ang lumubog at marami sa mga kaa­nak ng biktima ang nagsasabing hindi pa sila naka­kuha ng hustisya. Maski sa kalulubog pa lamang na M/V Princess ay marami nang humihiyaw ng hustisya.

Mahigpit ang mga kondisyon ng Marina sa Sul­picio bago makapaglayag na muli ang mga barko. Ang tanong: Hindi kaya mauwi rin sa wala ang mga kondisyon na ito sa mga susunod na panahon. Sari­wa pa ang paglubog ng M/V Princess at masyadong mainit pa ang mga awtoridad pero paano paglipas ng init. Hindi kaya balik sa dating masamang kau­galian na ang paghihigpit ay unti-unting lumuluwag. At ang tanong din, sa mga barko lang kaya ng Sul­picio nag­hihigpit ang Marina. Kung maghihigpit ang Marina, dapat ay sa lahat ng barko para masiguro na hindi na mauulit ang paglubog na ang mga kawa­wang pasa­hero ang nalalagay sa peligro. Ganoon man, dapat ngayong bantayan ang mga barko ng Sulpicio.

ANG SULPICIO

BARKO

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

SHY

SULPICIO

V PRINCESS

V PRINCESS OF THE STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with