KAMAKAILAN ay may pumutok na balita tungkol sa 2-anyos na bata na nahilo dahil kumain umano ng kanin na ang iniulam ay vetsin. Kinilala ang bata na si Wilfredo Labajo ng Sagay City, Negros Occidental. Aba’y ginawa naman palang ulam eh. Ang vetsin ay pantimpla lang ng ulam at hindi ulam.
Ayon sa resulta ng pag-aaral ng ilang mapananaligang institusyon, hindi naman daw masama ang monosodium gultamate (MSG) na lalung kilala sa tawag na vetsin. Ito’y taliwas sa mga naglabasang ulat kamakailan na ang sangkap na ito na inihahalo sa ating mga ulam ay masa-ma ang epekto sa katawan.
Ang mga institusyong gumawa ng pananaliksik ay ang UN Food and Agriculture Organization (FAO), World Health Organization (WHO), Joint Expert Committee on Food Additives (JECFA), European Communities Scientific Committees for Food (SCF), American Medical Association’s Council for Scientific Affairs (AMCSA) at Federation of American Societies for Experimental Biology (FASEB). Ang mga samahang ito’y kinomisyon mismo ng United States Food and Drug Association (USFAD) para tiyakin kung ligtas sa kalusugan ang vetsin.
Kumatig naman ang sarili nating Bureau of Food and Drug Administration (BFDAD) na safe gamitin sa paglu-luto ang vetsin.
Balikan natin ang batang nahilo dahil daw sa vetsin. Dahil sa pagka-liyo, nahulog daw ang bata sa hagdan at nabagok ang ulo kaya na-ospital. Walang maipaulam ang kanyang kuya kaya nilagyan ng vetsin ang kanin. Kaya hindi dapat isisi sa vetsin per-se ang pagkahilo ng bata. Kung tutuusin, kahit anong pagkain ay puwedeng makasama sa kalusugan kung sobra.
Mismong mga doktora na sumuri sa bata ang nagsabing hindi puwedeng isisi sa vetsin ang pagka-hilo ng bata. Posible raw na matinding gutom ang dahilan.
Ilang dekada nang sangkap ng ating mga kinakain ang vetsin pero wala namang insidente ng tuwi-rang pagkalason sa pantimplang ito. Pati ang mga Chinese restaurants ay gumagamit niyan sa loob ng matagal na panahon. Kaya ang tanong ni Mang Gustin - “baka naman mga fast food chain ang lumalason sa isip ng taumbayan para siraan ang mga kakumpitensyang Chinese restos?”