^

PSN Opinyon

Ang pinaka-healthy na pagkaing Pinoy

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -
(Part 2)

MULA sa artikulo ko noong isang linggo, heto ang mga naunang healthy na pagkain sa ating listahan: (1) mga berdeng gulay, (2) isdang may Omega 3, (3) kamatis, (4) Citrus fruits tulad ng calamansi, suha at dalandan, (5) carrots, at (6) saging.

Heto pa ang mga susunod sa listahan ng pinaka-healthy na pagkain.

1. Gatas, keso o yoghurt – Ang mga produkto ng gatas tulad ng mga nabanggit ay matatawag nating “complete foods.” Bakit? Dahil ang gatas ay may protina, may carbohydrates at may taba din. May calcium pa para sa kababaihan. Nakita niyo ba ang laki at lakas ng mga Americano? Ginagawa kasi nilang tubig ang gatas eh. Sa mga gustong magpapayat, low-fat milk na lang.

2. Bawang – Ang bawang ay may tulong sa pag­papababa ng kolesterol. Mag-ingat lang sa pagkain nito at puwedeng humapdi ang inyong tiyan.

3. Mansanas – An apple a day, keeps the doctor away. Tunay po iyan. May vitamin C at may pectin ang apple na nagtatanggal ng dumi sa katawan. Nakakabusog pa ito at puwedeng pang-diyeta.

4. Tubig – Sinali ko ang tubig sa listahan dahil ma-rami sa ating Pinoy ay kulang sa pag-inom ng tubig. Lalo kung tag-init, kailangang uminom ng 8-12 basong tubig. Maka­tutulong ito sa pag-iwas sa impeksiyon sa ihi, panlinis ng katawan, pagbawas ng acid sa tiyan at pam­paganda rin ng ating kutis. Siguraduhin lang na malinis ang inyong tubig para hindi ma-typhoid o cholera. Distilled water ang pinakamainam.

Mayroon pang 10 sa aking listahan na idaragdag ko: (11) Ampalaya para sa diabetes; (12) monggo na mataas sa protina at mura pa; (13) luya tulad ng sa­labat para sa boses at pagsusuka; (14) oat meal para sa pagpababa ng kolesterol; (15) kamote dahil may Vitamin A ito; (16) wheat bread dahil mataas ito sa fiber; (17) taho at tofu; (18) tsa-a tulad ng green tea; (19) buko at buko juice para sa kidneys; at (20) mani para sa ating utak.

Sana po ay matago nin­yo ang listahang ito at maipamahagi sa inyong mga kaibigan. O kaya na­man ay sabihan sila na bu-mili ng Pilipino Star NGA­YON at PM tabloids kung saan ilalathala ko ang mga payo para sa ating kalu­sugan. Good luck po!

* * *

(E-mail: [email protected])

AMERICANO

PARA

PILIPINO STAR

SHY

VITAMIN A

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with