^

PSN Opinyon

Bueno-Coady, protektado ni Gov. Amor Deloso at kapatid na si Anggol

- Bening Batuigas -

KUNG nakulong ng pitong taon sa Hong Kong si Remedios “Baby” Bueno-Coady sa kasong pagpatay, hindi nalalayo na babalik uli siya sa kulungan kapag hindi nagbayad ng utang na P965,000.

Si Bueno-Coady kasi mga suki ay sinampahan ng kaso ni Jose Balbino, publisher ng Luzon Insider na nakabase sa Guiguinto, Bulacan at may-ari ng JFB Investigation and Security Agency dahil sa hindi nito pagbayad ng suweldo at serbisyo ng kompanya sa kanya. Ang security agency ni Balbino mga suki ang nagse-secure sa umano’y illegal mining operations ni Bueno-Coady sa Zambales na sa tingin ng marami ay protektado ni Gov. Amor Deloso at kapatid na si Anggol Deloso, na chairman ng Provincial Mining and Regulatory Board (PMRB). Malakas pala ang kapit ni Bueno-Coady ano mga suki?

Si Bueno-Coady ang may-ari ng Bueno-Coady International Trading Corp., na involve sa mining sa Guisguis sa Sta. Cruz. Aabot sa 42 security guards ang kinuha ni Bueno-Coady kay Balbino na ilang buwan ding nagtrabaho para sa kanya. Subalit hindi binayaran ni Bueno-Coady si Balbino na walang nagawa kundi ilapit sa korte ang problema niya para mapilitan ang una na bayaran siya. Kung sabagay, hindi lang si Balbino ang nagantso ni Bueno-Coady kundi maging ang Merlion Security, M. Sia at Tigerwatch. Kaya’t ang panawagan ni Balbino sa kapwa niya may-ari ng security agency ay huwag nang patulan si Bueno-Coady para hindi nila maranasan ang sinapit niya.

Sa totoo lang, kapag ganito ang sistema ng operation ng BCITC ni Bueno-Coady na puno ng anomalya, baka darating ang araw na gasgas sarado na ang pangalan ni Deloso at hindi na niya mamalayan na napapalayo na ang loob ng constituents niya sa kanya. At mahuhusgahan si Deloso ng mga taga-Zambales sa darating na 2010 elections. Lumalabas kasi na kinukunsinti ni Deloso hindi lang ang illegal mining operations ni Bueno-Coady kundi maging ang panggantso nito sa mga kausap niya. May report kasi na bukambibig ni Bueno-Coady ang pangalan ni Deloso sa nga business transactions niya. Ano ba ‘yan? Bakit bingi si Deloso sa problemang dulot nitong si Bueno-Coady? Magkano ba talaga ha, Governor Deloso Sir?

Matatandaan na nagpalabas na ng cease and desist order noong June 10 ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Region 3 laban sa BCITC ni Bueno-Coady dahil sa kakulangan nito ng permit subalit hindi ito pinapansin ng huli.

‘Yan kaya ay dahil sa proteksiyon ng magkapatid na Deloso kay Bueno-Coady?

He-he-he! Magkakaroon din ng katapusan ang kaligayahan ni Deloso at kapatid na Anggol, di ba mga suki? Abangan!

vuukle comment

AMOR DELOSO

ANGGOL DELOSO

BALBINO

BUENO

BUENO-COADY

COADY

DELOSO

SI BUENO-COADY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with