^

PSN Opinyon

Napakalaking pagkakamali

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

Kaso ito ni Mr. Mauricio, school superintendent sa isang State College sa Cebu. Base sa reklamong inihain ng 13 high school teachers at isang librarian ng kolehiyo sa Ombudsman para sa paglabag ng batas (Sec. 3 (e) Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at base sa desisyon ng Ombudsman, kinasuhan si Mauricio sa korte.

Nag-ugat ang kaso ni Mauricio sa ginawa niyang pagtatago at hindi pagbibigay ng kopya ng appointment ng mga nagrereklamo. Pirmado na ng Presidente ng kolehiyo ang nasabing mga appointment. Isa pa, hindi rin niya ipinatupad ang inaprubahang kaukulang dagdag sa kanilang suweldo at sadyang iniipit ang pagbibigay nito.

Sa paglilitis, hindi inamin ni Mauricio ang paratang sa kanya. Pagkatapos, hiningi niyang itigil ng hukom ang pagdidinig sa kaso dahil diumano pamangkin nito ang isa sa mga nagrereklamo. Ang naging pasya ng hukom ay pag-aralan muna ang hiling ni Mauricio at saka na lamang gagawa ng kaukulang pagpapasya.

Natuloy din ang paglilitis at dinesisyunan ng hukom ang kaso. Napatunayang nagkasala siya at ipinag-utos na makulong ng mula anim na taon isang buwan hanggang 10 taon isang araw. Ipinag-utos din na bayaran niya ang karagdagan sa suweldo ng mga nagrereklamo.

Nag-apela si Mauricio sa Court of Appeals (CA) noong Hulyo 8, 1998. Noong Abril 1, 1999, isinumite ni Mauricio ang kaukulang papeles sa pag-aapela.

Noong Mayo 30, 2001, imbes na magdesisyon, idineklara ng CA na hindi saklaw ng kapangyarihan nito ang naturang kaso. Matapos siguraduhing hindi tumututol ang Office of the Solicitor General, inilipat ng CA ang kaso sa Sandiganbayan (SB). Naglabas ng resolusyon ang CA na may petsang August 6, 2001 upang pormal na ipalipat ang rekord sa SB.

Noong Oktubre 2, 2001, isinauli ng SB ang mga rekord alinsunod sa batas (par. 2, Sec. 2, Rule 50 Revised Rules of Court), kung saan nakasaad na ang maling apela ay hindi maaaring ilipat ng CA sa tamang korte kundi dapat na balewalain o isantabi na lamang ang apela. Tama ba ang SB?

TAMA. Ayon sa batas (Sec. 4 (c) RA 8249), tanging ang SB ang may esklusibong kapangyarihan sa mga desisyon at resolusyon ng korte sa ganitong uri ng kaso. Walang basehan kung bakit sa CA inapela ni Mauricio ang kaso. Tama lamang ang ginawang pagsasauli ng SB ng rekord dahil nagkamali naman talaga si Mauricio sa ginawa niyang pag-aapela sa CA. Binigyan lang ng kaukulang respeto ng SB ang CA sa ginawa nitong pagsasauli ng rekord at oportunidad na rin na itama nito ang sarili at pormal na isantabin ang kaso.

Bantulot ang CA na i-dismiss ang kaso. Patunay dito ang ginawang paglilipat ng rekord sa SB ngunit lalong napasama naman ang nangyari. Hindi maitatama ng paghingi ng hustisya ang napakalaking pagkakamaling nagawa ni Mauricio.

Kung tutuusin, hindi naman makakasama sa kaso kung sakali at nagkamali man ng korte kung saan nag-apela. Basta’t maitama ito sa loob ng 15 araw na palugit na ibinibigay ng batas. Kung hindi ito magawa sa takdang panahon, walang magagawa kundi ang i-dismiss ang kaso ayon sa dikta ng batas (Sec. 2 (2) Rule 50, Rules of Court).

Sa kasong ito, tama rin sana ang ginawang paglilipat ng rekord ng CA kung sakali at nagawa ito sa itinakdang 15 araw. Ang desisyon ng korte ay ibinaba noong Hulyo 8, 1998. Kahit pa nag-apela si Mauricio nang araw ding iyon, nailipat lamang ng CA ang rekord noong Mayo 30, 2001, ang petsang nasa resolusyon nito. Malinaw na lampas na ito sa 15 araw na palugit. (Melencion vs. Sandiganbayan and People, G.R. 150684, June 12, 2008).

vuukle comment

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

COURT OF APPEALS

HULYO

KASO

MAURICIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with