^

PSN Opinyon

Cancer sa esophagus

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

ANG cancer ay nasa tubo na nagdudugtong sa lalamu-nan hanggang sa tiyan.

Ang mga sintomas: Walang early warning signs ang cancer sa esophagus. Masakit at mahirap na paglunok at ang madalas na pagkasamid sa tubig o iba pang liquid ang mga palatandaang may cancer sa esophagus pero ito ay makikita kapag malala na ang cancer. Palatandaan din ang unti-unting pagbaba ng timbang hanggang sa tuluyan nang bumagsak.

Ano ang dahilan ng  esophagus cancer? Ang grabeng pag-inom ng alak at paninigarilyo ang tinuturong dahilan ng esophagus cancer. Kung malakas uminom at mani­garilyo, malaki ang panganib na magkaroon ng cancer.

Gaano kapanganib ang cancer na ito? Maliit ang survival rate sa esophagus cancer. Tinatayang nasa 4 percent lamang ang nakaliligtas, makaraan ang limang taong treatment. Marami ang nabuhay lamang ng anim na buwan (average) makaraang lumabas ang mga sin­tomas.

Nakakahawa ba ang cancer na ito? Hindi ito naka­hahawa.

Paano ginagamot? Ang radiation theraphy ay maa­aring isagawa kapag ang cancer ay natuklasan nang maaga. Ang pagtanggal sa esophagus ay isa sa maaaring gawain. Ang kombinasyon ng radiation theraphy at operasyon ay maaaring isagawa.

Paano makaiiwas sa esophagus cancer? Iwasang manigarilyo at uminom nang sobra-sobrang alak.

ANO

CANCER

ESOPHAGUS

GAANO

IWASANG

MALIIT

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with